Basura mo. Kinabukasan ng Batang Ito! Batang Nagbabasa ng Libro sa Kalye, Nakaantig ng Puso ng Netizens! - The Daily Sentry


Basura mo. Kinabukasan ng Batang Ito! Batang Nagbabasa ng Libro sa Kalye, Nakaantig ng Puso ng Netizens!



Photo credit to Tyra Nicole Maloco | Facebook

Sinasabing ang kabataan ang pag-asa ng ating Bayan. At nasa edukasyon at pagpupursigi nilang makatapos ng pag-aaral ang ikakaganda ng kanilang kinabukasan at magiging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Ngunit, paano kung kapos sa buhay ang ilan sa ating mga kabataan at wala talagang paraan upang sila ay makapasok sa eskwelahan?

Kaya naman lubhang hinangaan ang isang bata na nakitang nagbabasa ng libro na kanya lamang pinulot sa basurahan sa isang kalye sa Iloilo, kamakailan.


Photo credit to Tyra Nicole Maloco | Facebook

Ang pangyayaring iyon ay nasaksihan mismo ng netizen na si Tyra Nicole Maloco, habang siya diumano ay nakasakay sa jeep, at dahil sa sobrang paghanga ay kanya itong ibinahagi sa social media upang maging inspirasyon sa iba.

Ang batang lalaki ay kanya diumanong nakitang nakaupo sa tabi ng basurahan sa labas ng Ramon Q. Avanceña Hall of Justice sa Bonifacio Dr, City Proper ng Iloilo City, tangan ang isang libro at binabasa ito.

Tunay daw na umantig sa puso ni Maloco ang ekesenang iyon, kaya naman kanya itong pinost sa Facebook at nilagyan ng caption na, "Inside every self-made man, there is a poor boy who follows his dreams. "

Ang naturang post ay trending na ngayon online at kasalukuyan ay umaani ng napakaraming reactions, likes and shares sa social media. Marami rin ang nagpaabot ng pagnanais matulungan ang kawawang bata at iba pa nga ay gusto siyang ampunin at pag-aralin.


Narito ang mga comments galing sa netizens: 

Photo credit to Tyra Nicole Maloco | Facebook


Photo credit to Kami | Facebook


Photo credit to Daily Guardian | Facebook





SourceTyra Nicole Maloco | Facebook