Nadurog ang puso ng isang netizen ng masaksihan ang isang batang pulubi sa gilid ng isang convenience store.
Nang nilapitan ng netizen na si Ienstien Hortal ang bata ay nagulat ito dahil kumakain ng tila karton o kahoy ang bata.
Nang tinanong ni Ienstien ang bata kung bakit karton ang kinakain ay mangiyak-ngiyak na sumagot ang bata. "Eto na kinakain ko sa isang buong linggo."
Nakilala ang bata sa pangalang John Mark Sta aka JM, 16 taong gulang.
Graduating na sana si JM sa Grade six pero tumigil ito sa pag-aaral dahil ipinamigay ng kanyang kuya ang mga gamit niya sa eskwelahan.
Narito ang buong kwento ng netizen na nakakita sa bata:
"I share ko lang po experience ko tonight.
Around 10:20-11:00 PM . Galing akong Morong Nung pauwi na ako Dumaan muna ako sa 7/11 sa Sampaloc Tanay para kumain .
Habang nakain ako Nalungkot ako nung may makita akong isang bata na kumakain din ngunit ang kanyang kinakain ay Karton/Kahon.
Naglakas loob akong lapitan sya at sabay tanong na "Bakit yan ang kinakain mo?" sumagot sya "Eto na kinakain ko sa isang buong linggo"
Nag karoon kami ngmarami pang convo.
(Matino syang Sumagot kung iyong kakausapin at marunong bumasa)
ME: Ano panagalan mo ?
jm: John Mark Sta Ana po pero tawagin nyo nlang po akong JM .
Me: ilan taon kna ?
jm:16 po
Me: nag aaral ka pa ba ?
jm: di na po. Graduating na ngapo sana ako ng grade 6 i kaya lang po pinamigay ng kuya ko ung gamit ko .
Me: Gusto mo pa ba mag aral?
Jm: Opo Gustong Gusto ko po sana
Me: dito ka ba natutulog ?
jm: hindi po . sa gilid po ng dimsum . 7:30 lang po ako lagi ng gabi napunta dito .
At marami pa akong itinanong sa kanya in short ininterview ko sya about sa buhay nya.
Pito po silang magkakapatid ang kanila pong magulang ay iniwan sila, nag hiwalay at nagkaroon daw ulit ng bagong pamilya. Nasa Montalban daw ang kanyang ina at ang Ama nya ay manila naman .
May natutunan ako sa kanya at sa Bawat nakukuha kong aral sa kanya Mas ninanais kong sya ay aking matulungan . IPANALANGIN NATIN SI JM AT KANYANG PAMILYA. pwede nyo din syang abutan ng food pag makikita nyo sya . Salamat po.
Sorry po pinicturan ko sya .
God Bless You."