Taxi Driver Nag Sauli ng Mobile Phone sa kanyang Pasahero, Inulan ng Papuri! - The Daily Sentry


Taxi Driver Nag Sauli ng Mobile Phone sa kanyang Pasahero, Inulan ng Papuri!



Photo credit to Hanz Seguizabal's Facebook account

Sadyang kahanga-hanga nga naman ang mga taong kahit gipit sa buhay ay mas pinaiiral ang integridad at bait sa sarili. Mga taong lubhang may mabubuting puso at talaga namang matatawag na 'Good Samaritans'.

Tulad na lamang ng isang taxi driver na kamakailan ay nagviral sa social media dahil sa pagsauli nito ng cellphone na naiwan ng kaniyang pasahero.




Photo credit to Hanz Seguizabal's Facebook account

Mismong ang netizen at pasaherong si Hans Seguizabal ang nagbahagi ng kahanga-hangang kwentong iyon sa Facebook at sinabi na una pa lamang ay hindi na siya nagduda na maibababalik sa kanya ang phone dahil alam niya na mabuting tao si manong driver.

Nang kanyang mapagtanto na naiwan niya ang cellphone sa taxi ay agad daw niyang tinawagan ang driver at dali-dali naman itong bumalik kung saan siya nito hinatid at binalik ang phone. Nalungkot lang siya ng kaunti ng tumangging magpakilala ang driver at tumanggi din sa binibigay niya sanang pabuya.

Photo credit to Hanz Seguizabal's Facebook account




Ngunit kahit ganon ay wagas naman niyang ipinakita ang kanyang pasasalamat sa driver kaya naisip niyang ibahagi ang kanyang kwento at ipinagdasal na lamang ang kaligtasan at kabutihan ni kuya.

Inulan naman ng papuri mula sa mga netizens si manong driver at marami ang sadyang humanga sa kanyang kabutihan.

Photo credit to Hanz Seguizabal's Facebook account

Basahin ang kahanga-hangang kwento sa ibaba:
 
"SALUTE TO THIS GOOD SAMARITAN!

Earlier today, while I'm on my way to work, I accidentally left my phone on EMP's taxi. I called my phone few times, and he answered after the third call. Without hesitation, Kuya immediately went back to my workplace and handed me my phone. I asked for his name (pero ayaw nya sabihin) and handed him a small amount of money but he refused to accept it. Huhuhu. Grabe! I know that the Lord will bless him for his goodness. GOD BLESS YOU, KUYA!

I didn't feel anxious at all kasi super bait ni kuya from the moment I hopped in his taxi, and I have this gut feeling na maibabalik yung phone ko. Thank you, Lord! I love you!"