Misis na may 6 na anak, nag-OFW dahil iniwan at ipinagpalit sa iba ng mister. Losyang? "no more" - The Daily Sentry


Misis na may 6 na anak, nag-OFW dahil iniwan at ipinagpalit sa iba ng mister. Losyang? "no more"



Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pag tatrabaho sa ibang bansa ay isang malaking sakripisyo. Mula sa pag-iwan sa mga mahal sa buhay, pag aadjust mula sa buhay na nakasanayan at pakikisama sa mga ibang lahi.

Pero lahat ng ito ay tinitiis nila, mabigyan lamang ng magandang buhay ang kani-kanilang mga pamilya.

Imahe mula huffingtenpost.com

Tampok ang isang kwentong ibinahagi ng isang OFW, maraming netizens ang namangha at bumilib sa determinasyon nito.

Kilalanin si MIchelle Valenzuela, na naglahad ng kanyang karanasan na kamakailan ay kaagad din nag viral sa social media. Bukod kasi sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay may mapait na karanasan din si Michelle bago lisanin ang bansang Pilipinas.
Imahe mula huffingtenpost.com

Mula sa larawan na kanyang ibinahagi, ay kitang kita ang malaking pagbabago sa kanyang hitsura ngayon. Halos hindi na maikumpara ang ginang sa lumang litrato nito.

Kwento niya, dahil sa sobrang busy sa pag aasikaso ng kanyang 6 na anak habang siya ay nagdadalang tao ay hindi na niya nagawang makapag ayos pa at maalagaan ang kanyang sarili.
Imahe mula huffingtenpost.com

Ayon pa sa kanya, habang siya ay nasa ganung sitwasyon ay nakakaranas pa ng pisikal na pananakit at pambubugbog si Michelle sa kamay ng kanyang mister. Ngunit hindi lamang iyon, nagdadala pa aniya ng babae ang kanyang mister sa kanilang mismong pamamahay.

Hindi nagtagal ay pinalayas na ng lalaki si Michelle kasama ng kaniyang mga anak kaya nagdesisyon na lang ito na manirahan muna sa kanyang ina.

Narito ang pagbabahagi niya ng kanyang karanasan sa social media:

Imahe mula huffingtenpost.com

Imahe mula huffingtenpost.com

Makalipas ang ilang buwan, kahit napakahirap at labag sa loob niya na maiwanan ang kanyang mga supling ay nagpasiya si Michelle na mangibang bansa bilang OFW upang maitaguyod ang kanyang anim na anak.
Imahe mula huffingtenpost.com

Ngunit hindi naging madali para kay Michelle ang pagiging OFW. Muli siyang nakaranas ng pagmamaltrato mula naman sa kaniyang amo. Pero nagpursige pa rin si Michelle sa pag tatrabaho. Dahil sa sipag, kalaunan ay naging maayos na ang trato sa kanya ng kanyang amo.
Imahe mula huffingtenpost.com

Mula noon ay unti-unti ng bumalik ang kumpiyansa sa sarili at lakas ng loob ni Michelle. Patuloy narin naging maayos ang kaniyang buhay pati na rin ng kaniyang mga anak.

Sa muli niyang pagbangon ay tila ibang Michelle na ang humaharap sa kanya sa salamin araw-araw.
Imahe mula huffingtenpost.com

Imahe mula huffingtenpost.com

Nabalitaan niya din na naghiwalay na ang kanyang dating mister at kinakasama nito ngunit hindi na ito nakaapekto pa sa pagbabagong buhay ni Michelle.

Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens patungkol sa buhay ni Michelle:





Imahe mula huffingtenpost.com

Tunay na kahanga-hanga ang ipinamalas na determinasyon at pagmamahal sa kanyang mga anak sa kwentong ito. Nawa'y magpatuloy sa pagiging maayos ang kanilang pamumuhay ng sa ganun ay tuluyan na nilang makalimutan ang mapait na nilang karanasan.

Source: huffingtenpost.com