Photos courtesy of Facebook @Marvin Daludado |
Tunay
nga ang kasabihan na walang imposible o mahirap na gawain sa taong may pangarap
sa buhay.
Isa
ng patunay dito, ang college student na si Marvin Daludado na doble ang kayod
sa pagpapasada ng jeepney upang matustusan ang kanyang pag-aaral at maka tulong
na din sa kanyang mga magulang. *
Labis
na hinangaan ng mga metizen ang kwento ni Marvin sa social media, dahil sa sipag
at diskarte ng estudyanteng ito mula Caloocan at ngayon nga ay nakapagtapos na sa
kursong Bachelor's Degree in Science and Information Technology.
Ayon kay
Marvin, nagsimula siya sa pamamasada ng jeep sa edad na labing-pito. Naisipan
nyang mamasada para mayroon syang pambaon at pambayad ng kanyang tuition fee.
Aniya,
sa simpleng pamamaraan ay napakalaking tulong na sa kanyang mga magulang upang
mabawasan ang kanilang mga intindihan sa kanilang mga magkakapatid.
Nagsimula
si Marvin sa pamamasada taong 2015, ngunit noon pa lang ay pinapahinto na sya
ng kanyang mga magulang. At ang ama ni Marvin ay isa rin palang jeepney driver.
Ngunit
kalaunan ay pinayagan na rin syang mamasada dahil na din sa pinapakitang
kaisapagan at dedikasyon nito sa paghahanap-buhay. *
Photos courtesy of Facebook @Marvin Daludado |
Dagdag
pa ni Marvin, nagsisimula na syang bumyahe tuwing alas singko ng umaga at uuwi ng
bahay ng bandang alas syete ng umaga upang pumasok naman sa paaralan.
Kung
minsan pa nga daw ay halos ma-late na sya sa klase, ngunit dumadaan na lamang sya
sa mga shortcuts upang makauwi ng maaga.
“May
times na male-late na ako, minsan kasi dumadaan ako sa mga shortcut, tapos pag
may enforcer, nakita ako, sympre hindi ka dumaan sa ruta mo, huhulihin ka nila.
Tapos pinakikiusapan ko na lang sila, na male-late na ako sa school, tapos yun,
minsan napagbibigyan naman nila ako.” Ani ng binata
At
kung minsan may kailangan bayaran sa kanilang paaralan, pumapasada pa ang binate
pagkatapos ng kanyang klase upang makaipon ng pambayad.
Ngunit
ng dumating ang krisis sa pandemya, natigil sa pasada. Ngunit hindi nagpapigil
si Marvin, at nakuha nitong magtinda ng mga prutas at gulay sa kalsada. *
Photos courtesy of Facebook @Marvin Daludado |
Hanggang
sa nagbunga lahat ng hirap at pagtitiis, narating ni Marvin ang kanyang
minimithing pangarap, at ngayon nga ay natapos nya na ang kursong Bachelor's
Degree in Science and Information Technology.
Nais
magpasalamat ni Marvin una sa lahat sa ating may kapal, at sa kanyang mga magulang
na nagbigay sa kanya ng suporta, sa mga kaibigan at pati na rin ang mga naging
pasahero niya.
“Nagpa pasalamat ako kay Lord, sa aking mga magulang, sa mga kaibigan, mga naging pasahero ko! Kung ‘di rin dahil sa inyo, ‘di rin ako nakatapos, sa mga pamasahe nyo.” Masayang wika ni Marvin.
Narating ni Marvin ang kanyang destinasyon na makapagtapos ng pag-aaral gamit ang sipag at pagtityaga sa pamamasada ng jeep. Lahat ay posible sa taong may pangarap sa buhay. Nawa’y magbigay ito ng inspirasyon sa ating lahat lalo na sa mga kabataan.
“Graduate na ako pati sa pagiging Jeepney driver salamat sa mga naging pamasahe nyo.di man natuloy yung una kong course na Computer Engineering atleast nakapagtapos na rin wala man martsa ang mahalaga nakaraos na.” dagdag pa ng binata.*
Photo courtesy of Facebook @Marvin Daludado |