Nang dahil sa online shopping, si ma'am, tumibok ang puso kay delivery boy! - The Daily Sentry


Nang dahil sa online shopping, si ma'am, tumibok ang puso kay delivery boy!



Tila mala fairy tale ang kwentong ito nila Marlon Cajucom at Jhasin May Benito. Dahil bukod sa pagtanggap ng mga deliveries at pagkuha ng pirma ng magandang binibini, ay nakuha rin ng masipag na binatilyo maging ang puso nito.

Isang proud delivery rider ng isa sa mga sikat na online shopping portal ngayon si Marlon.

Imahe mula Pio Asingan | Facebook

Tila langit at lupa ang pagitan ng dalawa sa paglalarawan ni Marlon kay Jhasin. Bukod sa taglay na kagandahan ay tila hindi rin sanay sa hirap ng buhay si Jhasin. Kaya't kahit sa panaginip ay hindi lubos maisip ni Marlon na mapapansin siya nito.

Ngunit laking gulat ng ating binata ng kalauna'y makilala niya ito at natkulasang  tunay na napakabait at hindi mahirap lapitan ang dalaga. Hindi rin ito halos nagdalawang isip na kausapin pabalik si Marlon.

Buwan ng Oktubre nang nakaraang taon ng maging regular customer niya ang ina ni Jhasin May na si Mrs. Mary Grace Benito.

Isang gabi, nagulat ang ginang ng kumatok sa pintuan si Marlon upang magdeliver sa kanilang bahay. Dahil sa pagtataka kung bakit gabing gabi na ay nagdedeliver pa ito, natanong ng ina ni Grace kung siya ay may asawa na.
Imahe mula Pio Asingan | Facebook

"Wala pa po" tugon ni Marlon. Dagdag pa ng ginang ay kung bakit ganun na lang ang sipag ng binata gayung wala pa naman siyang pamilyang binubuhay? "Kasama ko po sa pangarap yung magpursige sa buhay" buong pagpapakumbabang sagot nito.

Dito na nagsimulang ipakilala Mrs. Benito ang kanyang dalagang anak na si Jhasin May kay Marlon.

Ayon kay Jhasin, kakaiba si Marlon sa kaniyang mga naka-relasyon. Damang-dama nito ang pag aalala at pag pupursigi ng lalaki upang maipadama nito ang kaniyang pagmamahal.

Bagama't busy sa paghahanap buhay ay hindi nalilimutan ni Marlon na suyuin si Jhasin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bulaklak upang maipakita ang pagibig sa dalaga.

Makalipas ang limang parcel delivery ay unti-unting nagkakilala nang husto at nagkagustuhan ang dalawang bida sa mala fairy tale na kwentong ito. "And the rest is history" sabi nga nila.
Imahe mula Pio Asingan | Facebook

At nitong Martes nga lamang, ay napabalitang ikinasal na ang dalawa sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. ng Pangasinan.

Narito ang kabuuang kwento sa naturang Facebook post:



Imahe mula Pio Asingan | Facebook

Tunay nga namang kamangha-mangha makatuklas ng mga kwento ng pag-ibig mula sa mga taong hindi inaakalang, ang kanilang “the one” ay ang mismong tao pala na kumakatok, sa kanilang mga pintuan.