Pulubing sanggol na nagwawala sa gutom, walang arteng tinulungan at pinasuso ng babaeng napadaan. - The Daily Sentry


Pulubing sanggol na nagwawala sa gutom, walang arteng tinulungan at pinasuso ng babaeng napadaan.



Madalas man baliwalain ang mga palaboy sa kalsada dahil sa kanilang itsura at pangungulit upang manghingi ng limos, ay mayroon pa ring mga tao na sadyang may ginintuang puso para tulungan ang mga ito.

Tulad na lang ng kwentong ito ng isang netizen na si Argel o Argel's Shoppee Rtw sa kanyang Facebook account.




Ayon sa post ni Argel, siya ay naghihintay sa Robinson's Butuan dahil mayroon siyang katagpo sa lugar.

Habang hinihintay pa ang kanyang ka "meet up" ay mayroon siyang pinagmamasdang pulubi na may hawak na sanggol at iyak ito ng iyak.

Mangilang subok nito na pinapasuso ang sanggol na iyak ng iyak marahil umano sa kagutuman ngunit hindi pa rin ito tumutigil.

Image via Argel's Shoppee Rtw | Facebook

Image via Argel's Shoppee Rtw | Facebook


"Kase walang gatas ung mama ng baby gutom n gutom n ung baby. Sobra na tlga ung iyak nya Sinusubukan sya padedehen ng mama nya pero walang gatas ung mama kya iyak p rn ng iyak ung BABY"

Pinagtitinginan na ng maraming tao ang pulubi at sanggol, bakas sa kanila ang pag aalala. Maaaring kabagan na ang bata ng dahil sa sobrang pag iyak nito.

Image via Argel's Shoppee Rtw | Facebook

Image via Argel's Shoppee Rtw | Facebook


Maya-maya pa ay may babaeng naka puting damit ang lumapit sa di umano'y mag-inang pulubi.

Inisip ni Argel na may iaabot lang itong limos kaya lumapit ang babaeng nka puti sa dalawa, ngunit iba ang naging eksena.

Sinundan niya ito ng tingin sa pagaakalang gusto niyang kupkupin ang bata dahil tila hindi na ito kayang patahanin pa ng may tangan dito.

Image via Argel's Shoppee Rtw | Facebook

Image via Argel's Shoppee Rtw | Facebook


"Taod2 naay babaeng lumapit, akala q kung ano n ung ibibigay nyang tulong until sinundan q sya ng tingin kase akala q gusto nya kunin ung baby para tulungan or adopt pin etc."

Ngunit laking gulat niya ng malamang humahanap lang pala ito ng pwesto para pasusuhin ang umiiyak na bata.

Hindi nag dalawang isip ang babaeng nakaputi kahit pa nasa pampublikong lugar pa sila.

"Humanap lng pala ng ma pepwestohan c ate para...............Para pa dedehin ung baby ng pulubi in PUBLIC"

"Kung cno ka man tlga ate I #SALUTE you tlga."


Image via Argel's Shoppee Rtw | Facebook






Marahil na ang tanging hangad niya lamang nung mga panahon na iyon ay mabigyan ng gatas ang bata para matigil sa pagiyak at maibsan ang gutom nito.

Isang napaka gandang tagpo ang natunghayang ito ni Argel, dahilan para i-post niya ito sa kanyang Facebook account at kinabiliban namang agad ng mga netizens.

Isang tunay na pagmamalasakit at kabutihang loob ang ipinamalas ng babaeng nakaputi.

Kaya kung sino man ang anak ng ginang na ito ay siguradong napakaswerte dahil meron siyang ina na busilak ang kalooban.