Sikat na starlet noon, palaboy-laboy na lang ngayon at ilang buwan ng hinahanap ng kanyang pamangkin - The Daily Sentry


Sikat na starlet noon, palaboy-laboy na lang ngayon at ilang buwan ng hinahanap ng kanyang pamangkin



Naalala o naabutan mo pa ba ang dating starlet na si Brandy Ayala? 

Si Brandy Ayala o Remedios Estrada sa tunay na buhay ay isang miyembro ng grupo ng mga kababaihan noong 1980's na kung tawagin ay "Liqu0r Beauties" Ito'y pinangangalagaan ng isa sa mga magagaling at namayapang talent manager na si Rey dela Cruz.





Ngunit sa mga sandaling ito ay ibang iba na ang kanyang hitsura. Malayong malayo sa kanyang taglay na alindog noong kanyang kasikatan.

Ayon sa kanyang pamangkin na si Ralph Estrada, si Brandy ay tuluyan ng nawala sa sarili. Dulot ito ng paggamit ng ipinagbabawal na gam0t noong mga panahon siya ay nakikita pa sa telebisyon bilang artista.

Taong 1997 nang lalong luamala ang sitwasyon ni Brandy, dahilan para siya ay magpalaboy laboy sa siyudad.

Brandy Ayala



Madalas daw itong makita na nasa paligid ng SM City Manila at SM City San Lazaro banggit ng mga iilang nakakakilala pa sa kanya.

Nanghihingi na lamang ng limos na pera at pagkain si Brandy habang ito ay nagpapalaboy sa ka-maynilaan.

Bagama't ganito na ang naging takbo ng buhay niya, ayon kay Ralph ay nakukuha pa namang umuwi ng kanyang tiyahin.

Brandy Ayala

Brandy Ayala

Ngunit nang magsimula ang ECQ noong March 15 ay nagsimula na ring hindi makita at hindi na umuwi ng bahay si Brandy, dahilan para magalala ang pamangkin na si Ralph.

Isa sa mga kinatatakutan nito ay baka lalong lumala ang sitwasyon ng tiyahin kung ito ay patuloy at hindi na nabibigyan ng sapat na pagkain.

Na maaaring maging dahilan upang tuluyan na nitong makalimutan kung papano pa makakauwi sa kanilang tinitirhan.

Hangad niyang matagpuan kaagad ang dating aktres na si Brandy, lalo na't ngayon panahon ng pandemya ay maraming pwedeng mangyaring hindi kanais nais habang nagpapalakad lakad sa kalsada ang tiyahin nito.

Ayon sa mga nakakita, huli daw namataan ang dating starlet sa lungsod ng Mandaluyong ngunit sa kakulangan pinansyal ni Ralph ay hindi niya matutukan ang paghahanap sa kanyang nawawalang tiyahin.

Remedios Estrada | Image via pep.ph