Babaeng malungkot sa kaniyang mismong kasal, napangiti nga ba ng dati niyang kasintahan? - The Daily Sentry


Babaeng malungkot sa kaniyang mismong kasal, napangiti nga ba ng dati niyang kasintahan?



Samu’t saring video na, na may kinalaman sa mga kasalan ang ating natunghayan sa socila media, ngunit kaikaiba ang isang ito.

Marami kasi ang nakapansin sa pagiging malungkot ng babaeng ito sa kaniyang mismong kasal na kuha daw umano ng kaniyang "ex-boyfriend"

Kitang kita daw kasi sa kilos at hitsura ng babae na tila labag sa loob nito ang pagpapakasal.




Sa bidyong kuha ng sinasabing dating kasintahan ni babae, kataka taka ang pagbabago ng kaniyang mood at lumilitaw ang ngiti sa labi at sa mga mata nito, tuwing mapapatingin sa camera ng nasabing ex-boyfriend.

Ayon naman sa ibang mga komento, ay ramdam umano nila na hindi masaya ang babae sa nangyaring kasal kaya ganito na lang ang naging pagkilos nito.

batangbasilanjhey | TikTok

batangbasilanjhey | TikTok


Ilan sa mga nakapuna ay malaki ang hinala nila na ito ay isang klase ng "Arranged Marriage" na pangkaraniwang nangyayari dito sa Pilipinas at parte ng tradisyon ng ilang mga relihiyon.

Katulad na lang ng mga Filipino Muslim sa Mindanao. Ngunit ang mga ito raw ay maaari lamang maganap sa pahintulot ng parehong partido.

Ito ay isang legal na paraan at matagal ng ipinapatupad ng kanilang kultura.

batangbasilanjhey | TikTok

batangbasilanjhey | TikTok


Dahil dito, hindi nawala ang pabirong tanong ng mga netizen na nakapanood ng video kung dapat pa nga bang dumalo ang mga "EX" sa kasal ng dati nilang kasintahan.

Wala mang kasiguraduhan kung ano ang tunay na istorya sa likod ng viral video na ito ng babaeng ikinasal.

batangbasilanjhey | TikTok



Marami pa rin ang sa kanya'y humanga, dahil kung totoo man na ito'y isang fixed marriage. Naipamalas niya naman ang kaniyang pag galang at pag respeto sa kanilang kultura at sa kaniyang mga magulang.