Traffic enforcer umani ng papuri dahil sa patuloy na trabaho sa kasagsagan ng baha at ulan - The Daily Sentry


Traffic enforcer umani ng papuri dahil sa patuloy na trabaho sa kasagsagan ng baha at ulan



Maraming netizen ang natuwa at humanga sa isang traffic enforcer na patuloy ang trabaho kahit lubog na sa baha ang kalsada upang hindi tumindi ang daloy ng trapiko.
Photo credit: Laurice Gel Mariano / Facebook

Kinilala ang traffic enforcer na si Gilbert Bautista ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Siya ay nakitang nakatayo sa baha bandang Taft Avenue sa Malate, Manila.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Laurice Gel Mariano, saludo umano siya kay Bautista dahil patuloy ang trabaho nito kahit malakas ang ulan at baha na ang kalsasa.

Salute to this traffic officer. Kahit malakas ang ulan at baha, he’s still doing his job.”

Ayon naman sa comment ng netizen na si Drexlene Joie Atienza, sana raw ay may gamit na raincoat at boots ang lahat ng MTPB upang maiwasan nila ang magkasakit.

Sana may mga indivual raincoat at boots ang lahat ng MTPB like kuya para in case na may ganitong sitwasyon may magagamit sila. Hirap magkasakit lalo’t sila lang inaasahn ng pamilya nila,” commented netizen Drexlene Joie Atienza.
Photo credit: Laurice Gel Mariano / Facebook

Photo credit: Laurice Gel Mariano / Facebook

Nakarating naman kay Manila Mayor Isko Moreno ang viral pictures ni Bautista at agad nitong pinuri ang traffic enforcer.

Thank you Traffic Enforcer Gilbert Bautista, May God guide and keep you safe!” sabi ni Moreno.

Ipinangako naman ni Mayor Moreno na bibigyan nila raincoats at boots ang lahat ng MTPB.



***
Source: Buzz Flare