"Bakit Nga Ba Mahal Kita?" Kumusta na nga ba ang nagpasikat ng kantang ito na si Roselle Nava? - The Daily Sentry


"Bakit Nga Ba Mahal Kita?" Kumusta na nga ba ang nagpasikat ng kantang ito na si Roselle Nava?



'Bakit Nga Ba Mahal Kita' Ito ang titulo ng kantang madalas nating mapakinggan ngayon. Bagamat taong 90's pa ito umere sa radio at telebisyon, muli itong umalingawngaw sa social media nang ito ay awitin ng internet sensation na si Gigi de Lana.

Nag viral ang video nito matapos bumirit gamit ang kantang pinasikat ni Roselle Nava.




Bukod dito, inawit din niya ang mga kantang Dahil Mahal na Mahal Kita, Laging Ika Parin, Huwag Ka Nang Babalik at marami pang iba.

Pero kumusta at sino nga ba si Roselle Nava?

Para sa mga hindi nakakaalam, isa siya sa mga in-demand noong dekada 90 kung saan tinagurian pa siyang, Philippine Pop Queen/Sentimental Diva noon.

Isa siya sa mga sikat na artistang bumubuo ng programang Ang TV mula 1992 hanggang 1997. Ilang artistang kabilang dito ay sina Jolina Magdangal, Claudine Barretto, Angelu de Leon at Rica Peralejo.

Images | Google

Images | Google


Bukod pa riyan ang pagiging isa niya sa mga mainstay ng ASAP, kung saan ay linggo linggo niyang ipinapamalas ang kaniyang husay sa pagkanta.

Gaya na lamang ng muling  sumisikat na kanta ngayon na 'Bakit Nga Ba Mahal Kita' na ilang buwan ding naging numero uno sa mga radio stations noon.

Di naglaon ay lumiban sa industriya si Roselle at nagpakasal taong 2010 sa kaniyang business partner na si Allen Ford Lee Tan.

rozie328 | Instagram

rozie328 | Instagram


At biniyayaan ang mag-asawa ng dalawang anak na lalake.

Sumubok at nagwagi rin si Roselle ng pasukin nito ang mundo ng pûlitika bilang isang Konsehal sa siyudad ng Paranaque.

Marami sa mga nakakakilala sa kaniya ay inilalarawan siya bilang isang mabait mapagkumbaba at magaling makisama na personalidad.

Di naman ito makakaila dahil sa magandang mensahe na kaniyang binitawan noong nagdiwang siya na kaniyang ika-45 na kaarawan.

"I just turned another year older, today I turned 45. I have so many things to be thankful for! I have been really blessed and for that my heart is full and filled with appreciation."

"I hope that we can overcome all the hardships and challenges we are facing now... keep safe everyone and always remember to make every moment count..especially with those people who truly matter the most! familyis LOVE Special thanks to my hubby Allen and the rest of my family. Thanks to those who remembered and sent me warm greetings."



Patuloy na naririnig ngayon ang kanta ni Roselle na sana ay maging dahilan upang mabalikan ang mga awiting naging inspirasyon ng mga sikat nating mang-aawit ngayong kasalukuyang panahon.