Lalakeng natagpuang nakahandusay sa kalsada, ginulat at napahalakhak ang lahat ng ito'y biglang bumangon. - The Daily Sentry


Lalakeng natagpuang nakahandusay sa kalsada, ginulat at napahalakhak ang lahat ng ito'y biglang bumangon.



Isang lalake ang inakalang patay at biktima ng karahasan nang ito'y matagapuang nakahandusay sa kalasada ng ilang mga nakakitang motorista at residente.

Halos mag hahating gabi na ng mabahala ang mga ito ng may namataang tao na nakahiga sa gilid ng National Highway sa Purok 5 Barangay Bialong M'lang, Cotabato City.




Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito gumagalaw, kaya naman minabuti nilang tumawag sa mga kinauukulan, sa pagaakalang ito'y isang uri ng insidente.

Live itong ibinahagi sa Facebook page na Sky Radio Mlang Official kaya naman marami ang naka-saksi sa buong kaganapan.

At dahil sa wala pang kasiguraduhan kung ano ang nangyari sa lalaking ito, minabuti ng mga nakakito rito na huwag muna siyang galawin.

Sky Radio Mlang Official | Facebook

Sky Radio Mlang Official | Facebook


Gayunpaman, ay hindi parin nila ito pinabayaan at pinili munang manatili sa lugar, nang sa gayon ay maiwasan ito na masagasaan ng malalaking trak o iba pang dumaraang sasakyan, dahil sa kadiliman ng kalsada.

Makalipas pa ang ilang sandali, laking gulat na lang ng mga ito ng biglang gumalaw at bumangon ang lalaki sa kaniyang pagkakahiga.

Dito na napatunayan ang kanilang hinala na nakatulog sa kalasingan ang lalaki at hindi sinasadyang mapahiga na sa kalsada.

Sky Radio Mlang Official | Facebook

Sky Radio Mlang Official | Facebook


Hindi man makausap ng makaayos ay tumugon naman ito sa tanong at sinabing malapit lang ang kaniyang tahanan sa lugar.

Sabay pasuray-suray na umalis at lumakad papalayo ang lalaki na para bang walang nangyari.

Sky Radio Mlang Official | Facebook

Sky Radio Mlang Official | Facebook


Isang paalala na kung tayo ay iinom ay maaaring uminom lang ng naaayon sa kakayahan nang hindi matulad sa nangyari.

Mabuti na lang ay may nagmalasakit na alamin ang kalagayan nito dahil kung hindi ay maaaring may tunay na masamang mangyari sa kaniya dahil sa delikado sa kaniyang pinaroroonan o kinahihigaan.