Dating Co-Host ni Willie Revillame na si Sugar Mercado, Proud at Masaya bilang isang Single Mom. - The Daily Sentry


Dating Co-Host ni Willie Revillame na si Sugar Mercado, Proud at Masaya bilang isang Single Mom.



Unang nakilala si Sugar Mercado bilang miyembro ng grupong 'SêxBómb Girls' na sumikat noon sa longest running noontime variety show na 'Eat Bulaga!'

Dahil sa husay nitong sumayaw pati na rin sa pag arte, ay nakitaan ito ng potential ng tanyag na TV host na si Willie Revillame. Dahilan para ito'y kunin para maging co-host sa kaniyang programang 'Willing Willie' upang makatuwang sa pagbibigay saya sa kanilang mga manonood.




Matatandaang nagkaroon pa ng usap-usapan noon tungkol sa animo'y pagkakaron nila ng relasyon ng TV host, ngunit mariin itong itinanggi ni Sugar dahil para sa kaniya, ‘tatay’ na ang naging turing niya at ng lahat kay Kuya Wil.

“Para ko nang tatay iyon, para siyang tatay sa lahat, kuya siya ng lahat. So, mao-open mo sa kanya lahat, tsaka sobrang bait niya,”

Sugar Mercado and Willie Revillame

Sugar Mercado and Willie Revillame


Malaki ang pasasalamat niya rito sa dahil na rin sa pagiging bahagi ng pag-usad ng kaniyang karera, kaya naman nagpaunlak ito ng maiksing mensahe para sa kaarawan ng sikat na TV Host.

“Maligayang kaarawan Wil. Patuloy ka pong palakasin at ingatan ng Panginoon, sana ay marami ka pa pong matulungang tao na salat sa buhay. Napakabuti ng puso mo, salamat isa po ako sa marami mong natulungan. Araw-araw ka po naming pagdadasal.. happy birthday Wil.. mahal ka naming lahat Kuya Wil.”

Sugar Mercado

Sugar Mercado

Bunso sa apat na magkakapatid si Sugar at mula sa kaniyang pag-aartista ay nakapagpatayo siya ng 'two-storey house' sa Cavite para sa kaniyang pamilya.

Ikinasal ito kay Kristofer Jay Go at ang kanilang naging pagsasama ay nagbunga ng dalawang anak, ito ay sina Gabrielle at Olivia.

Ngunit di naglaon ay naghiwalay din ang dalawa.

Taong 2015 ng magsampa si Sugar ng kaso sa kanyang dating asawa, dahil umano sa paulit-ulit na pananakit nito sa kanya.

Sugar Mercado

sugarmercado777 | Instagram


Ngunit ngayon, ay maayos na ang usapang ng dalawa pagdating sa pagiging mga magulang sa kanilang dalawang anak.

Madalas rin ang pagbabahagi nito ng mga masasayang larawan kasama ang kaniyang mga anaka sa kayang social media account.

Sa isang panayam kay Sugar, nabanggit nito na may mga pagkakataong hinahanap ng mga bata ang kanilang ama, at nagtatanong kung bakit ay hindi nila ito kasama.

sugarmercado777 | Instagram

sugarmercado777 | Instagram


Mahirap mang magpaliwanag sa mga ito lalo na't mga nasa murang edad pa lamang, ginagawa naman ng single mom ang lahat para maintindihan ng mga bata at lubos na maunawaan ang sitwasyon ng kanilang pamilya.

Nasabi rin niya na bukas naman ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig, ngunit sa ngayon ay mas nakatuon muna ang kanyang atensyon sa pagpapalaki at pagsuporta sa kaniyang mga anak.


sugarmercado777 | Instagram

sugarmercado777 | Instagram