Beauty ni Kisses Delavin, tinawag na pang-fiesta lang at walang kabuhay-buhay ng ilang netizens! - The Daily Sentry


Beauty ni Kisses Delavin, tinawag na pang-fiesta lang at walang kabuhay-buhay ng ilang netizens!



Pasok sa Top 15 Headshot Challenge ng Miss Universe Philippines 2021 ang dating PBB Housemate na si Kirsten Danielle Delavin o mas kilala bilang si 'Kisses' Delavin.

Kasama ng pambato ng Masbate na si Kisses sa labing limang delegado ay ang kilalang content creator at entrepreneur na si Rousanne “Ayn” Bernos at ang Asia's Next Top Model Season 5 titlist Maureen Wroblewitz.




Miss Supranational 2018 1st runner-up Katrina Jayne Dimaranan, Miss Globe 2019 2nd runner-up Leren Bautista, at Miss Cebu 2018 Steffi Aberasturi.

Lubos ang pasasalamat ng 22-anyos na dalaga sa kaniyang fans at mga supporters na bumoto upang siya ay makasama sa Top 15 ng naturang paligsahan.

Marami man ang nagbigay ng papuri sa kaniya, ay may mga iilan din na bumatikos at nagpahayag ng mga maaanghang na komento laban sa 2013 Miss Teen Masbate at 2016 Miss Kaogma na si Kisses.

Kisses Delavin | Facebook Public Photos

Kisses Delavin | Facebook Public Photos


Ilan na lang sa mga ito ay ang mga sumusunod:

“Juicekolored, ano nang nangyari sa Phil pageantry? Naging pang-fiesta.”

“Parang walang kabuhay-buhay na contestant ‘yan. Lamya-lamya kaya n’yan.”

“Lalo yatang bumaba ang standards ng Ms. U. ‘Kakabaduy.”

“She’s absolutely gorgeous.”

“Good for you, Miss Congeniality :)”

“Matalino siya, may ibubuga sa Q&A, pero hindi pang-Miss Universe ang face niya. Puwede siguro siya sa Miss Earth.”

Kisses Delavin | Facebook Public Photos

Kisses Delavin | Facebook Public Photos


“Am not surprise kung kasali siya sa top headshot challenge, eh, marami siyang fans. Sana magaling ang performance niya come coronation night at ‘di lang puro hype.”

“Ganda ni ate girl! Go Kisses!”

“Would love to see the pageant proper. It would be interesting to see how these influencers stack up against pageant veterans like Steffi, Katrina, and Leren.”

“’Kalungkot ‘yung mga comments. She’s young, and she can be whatever she wants to be or at least try. Ine-enjoy lang niya buhay and youth niya, bakit ang daming nega? The fact that she’s a finalist means qualified siya, bakit may mga nagsasabing ‘di siya dapat nandiyan? Baka nga height requirement lang, ‘di na pumasa mostly ng bashers, face value pa kaya? Be happy po sa achievement ng iba.”

“Nadaan sa paramihan ng boto kaya nanalo, hindi dahil maganda head shot niya. Ano ba ‘yan?”

“’Wag mo nang pansinin mga bashers mo, Kisses, mga chararat kasi ‘yan. Ikaw, maganda na, matalino pa, hahahaha!”

“Ayusin din ang pagsasalita, parang may sipon palagi.”

“Ganda niya! Fierce.”

“She’s too short to become a beauty queen. ‘Wag ipilit.”

Kisses Delavin | Facebook Public Photos


Sa kabila ng lahat ng ito, inaasahang bubuhos pa rin ang suporta ng mga patuloy na nagtitiwala sa kakayahan ng kapuso aktres sa ganap na patimpalak.

Nakatakdang koronahan ang mga magwawagi sa kompetisyon sa Setyembre 25.

Source: radyotodo.ph