Naaalala niyo pa ba ang dating aktres at ex-girlfriend ni John Estrada na si Vanessa del Bianco?Ito na ang buhay niya ngayon - The Daily Sentry


Naaalala niyo pa ba ang dating aktres at ex-girlfriend ni John Estrada na si Vanessa del Bianco?Ito na ang buhay niya ngayon



Si Vanessa del Bianco ay dating TV host/aktres ng ABS-CBN Network. Una siyang lumabas sa TV show na “Gimik”, isa sa pinakasikat na youth-oriented show noong 1996.
Vanessa Del Bianco / Photo credit to the owner

Naging guest siya doon at kontrabida ang kanyang role. Napansin agad ng mga viewers ang kanyang s3x appeal. Sabagay, Filipino-Italian ang dating aktres at lumaki sa Canada.


Naging agaw pansin ang kanyang angking ganda, kaseksihan at karisma na taglay. Hindi rin maitatanggi na isa siya sa mga dating aktres na hinahangaan at pinapantasya ng maraming kalalakihan noon.
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner

Sumali rin si Vanessa noon sa ABS-CBN’s Star Circle Quest Batch 4 bago ito napasama sa “Gimik.”


Isa si Vanessa sa mga artistang may magandang career noon sa showbiz. Nagkaroon siya ng maraming primetime TV series at ilang TV commercials at isa doon ay ang anti-dundruff shampoo.

Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Randy Santiago, Willie Revillame at John Estrada / Photo credit to the owner

Noong 1998 ay naging mainstay host siya ng noontime show ng Kapamilya Network na “Magandang Tanghali Bayan”, kasama dito ay sina Randy Santiago, Willie Revillame at John Estrada.
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner

Marami ang humanga sa ganda ni Vanessa lalo na sa kanyang galing sa pagsayaw. 

Naging host rin ang aktres sa reality show na “Stardance: The Search for the Dance Idol.” 


Tulad ng ibang mga artista, nasangkot din sa isang kontrobersyal na issue ang aktres matapos kumalat na siya ang third party sa mag-asawang John Estrada at Janice de Belen.
Marvin Agustin, Rico Yan, Vanessa del Bianco at Dominic Ochoa / Photo credit to the owner
John Estrada at Janice de Belen / Photo credit to the owner

Katulad ng ibang shows, natapos ang MTB noong 2005. Kasabay nito ang pagtamlay ng career ni Vanessa.

Kumalat rin ang usap-usapan na noong umuwi ng umuwi ang aktres sa bansa kung saan siya lumaki ay sumunod sa kanya si John. Sa kabila ng mga espekulasyon ng pagkakaroon ng relasyon ng dalawa, hindi sila umamin hanggang sa isapubliko na lang ni John na sila ay hiwalay na.
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner

Dahil naman sa nangyaring paghihiwalay nina John at dating asawa na si Janice, marami ang nagbigay ng kanilang opinyon at ang iba ay sinisisi si Vanessa sa nangyaring pagkasira ng masayang pamilya noon ng nasabing aktor at aktres.

Hindi nagtagal ay tuluyan ng nilisan ni Vanessa ang bansa at iniwan na ang showbiz career sa Pilipinas. Aniya, gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner
Vanessa del Bianco / Photo credit to the owner

At that time, it was right for me to leave and pursue something else that I was very passionate about - school. Something I was putting on hold for a long time,” sabi ni Vanessa.

Samantala, marami ang naniniwala na kaya umalis ang aktres ay dahil buntis ito at nagpakasal na sila ni John.

Sa ngayon ay naninirahan si Vanessa sa Canada bilang isang sales manager sa Mayfair Club at paminsan-minsan ay sumasabak sa modeling at commercial advertisements.
John Estrada, Priscella Meirelles at anak na si Anecka / Photo credit to the owner
John Estrada, Priscella Meirelles at anak na si Anecka / Photo credit to the owner

Mayroon na rin bagong pamilya si John at "happily married" na ngayon sa asawang si Priscilla Meirelles na isang beauty queen. Sila ay mayroon na ring mga anak.

Naging magkaibigan namang muli sina John at Janice sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Mas pinili ng dalawa na maging magkaibigan para na rin sa kanilang mg anak.


***