Batang musmos, nagsilbing mga mata sa kanyang bulag na mga magulang - The Daily Sentry


Batang musmos, nagsilbing mga mata sa kanyang bulag na mga magulang




Ang tanging liwanag sa malabo at madilim na Mundo!


Isang pagsubok marahil ang araw-araw na dinaranas ng mga kapwa nating may mga kapansanan sa kanilang mga paningin o mga kapatid nating mga bulag. 


Tunay mang nakakamangha ang kagandahan at kulay ng mundo, ngunit ganito din kaya nila ito nararamdaman? 


Kumurot sa puso ng marami sa mga netizens ang mga kuhang larawan na nag viral sa social media tungkol sa batang musmos na nakitang akay-akay ang kanyang mga magulang sa gilid ng lansangan.



Kahit pa sa murang edad, at marahil hindi pa niya alam ang malaking responsibilidad na kanya nang nagampanan, ang mga deriksyon niya ang tanging nagsilbing mga mata ng kanyang mga magulang na kapwa’y walang mga paningin o bulag.




Tanging ang maiksing tali lamang na nakakonekta sa kanyang isang kamay at sa bahagi ng katawan ng kanyang nakatungkod na Ama habang nakahawak naman dito ang kanyang Ina, ang nag-uugnay at nagbibigay deriksyon sa hakbangkanyang mga magulang.


Kahit pa man sa napakahirap na kalagayan at sitwasyon, bakas sa kanilang mga mukha ang saya at pagmamahalan bilang isang buong pamilya. 


Makikita sa mga naka-upload namga larawan ang nakangiting labi ay masayang mukha ng bata habang nasa unahan at hila-hila ang kanyang Ama’t Ina.


Marami sa mga netizens ang nahabag sa sitwasyon na dinaranas ng pamilya.


Narito ang buong post:

    



The innocence of this child just made me emotional. Guiding his parents from their dark world to safety, towards their destination. No complaints, no questions, just pure happiness to be of service to his parents.


Lord God, guide them! I pray, God will always give this family a strength to continue life and may this Family know how to thank God even in a small thing, because small thing is considered blessings! Keep safe always, Ate and Kuya, especially to their Son. Good health and Stay safe.


from: Noel Landero Sarifa 


***


Source:  Soft Soul | Noel Sarifa

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!