Rudy Baldwin, may 7 Nakakakilabot na Pangitain para sa Natitirang Limang Buwan ng 2021! - The Daily Sentry


Rudy Baldwin, may 7 Nakakakilabot na Pangitain para sa Natitirang Limang Buwan ng 2021!



Psychic Rudy Baldwin | Photo credit to GMA 

Muli na namang ginulat ng kontrobersyal na psychic na si Rudy Baldwin ang netizens sa kaniya na namang mga bagong prediksyon na lubhang nakakapangilabot at nakakatakot.

Si Baldwin ay sumikat sa social media sa kaniyang mga nakakataas balahibong 'visions' tungkol sa hinaharap at sinasabing karamihan sa mga prediksyon niya ay lubhang nagkakatotoo.



Psychic Rudy Baldwin | Photo credit to GMA 

Ilan dito ay ang mga bagyo, lindol, at sunog na naganap nitong mga nakalipas na buwan, na lahat ay nakita diumano ng kontrobersyal na psychic na si Rudy Baldwin.

Noong June, matatandaang ibinahagi ni Rudy sa Facebook ang mga nakita niyang pangitain tulad na lamang ng mga sakuna, paglubog ng lupa, lindol at sunog.

Ang una niyang ibinahagi ay ang pangitain niya sa Quiapo kung saan may magaganap diumano na sunog. At makalipas ang mahigit isang buwan, July 17, nasunog nga ang ikaapat na palapag ng isang commercial building sa kanto ng Carlos Palanca Street sa Quiapo, Manila.



Photo credit to GMA

Photo credit to GMA

Isa pa sa lugar na nakita ni Rudy sa kanyang mga pangitain ay ang Batangas. Kaya naman noong June 3 ay ibinahagi din nito sa Facebook ang dalawang lindol na paparating sa probinsya na ngayon lamang raw mararanasan ang lakas. Gayundin, ang mangyayaring paglubog ng lupa o ang tinatawag na sinkhole.

Makalipas nga ang isang buwan, July 24, nakaranas ang Batangas ng malalakas na lindol at maging ang nakita niyang paglubog ng lupa.

Photo credit to GMA

At nito lamang ngang nagdaang araw ay marami na namang ginulat ang psychic sa kanyang mga bagong prediksyon. 

Sa isang interview sa sikat na TV show, sinabi ni Rudy na mayroon pa siyang pitong pangitain para sa natitirang limang buwan ng 2021.



Psychic Rudy Baldwin | Photo credit to GMA 

Narito ang kanyang pitong (7) nakakakilabot na bagong pangitain:

1. Sa unang pangitain, nakita raw ni Rudy ang mga bangkay sa tabi-tabi, gayundin ang mga bangkay na lumulutang sa tubig dahil sa dumaraming krimen sa papalapit na eleksyon.

2. Pangalawa, mayroon siyang pangitain ng pinatay, binaril at naaksidenteng mga reporter.

3. May nakita rin siyang bagay sa himpapawid na babagsak sa Pilipinas.

4. Ikaapat magkakaroon diumano ng tornado sa Luzon kung saan nakikita niya itong kulay dugo at apoy.

5. Bago raw matapos ang 2021, may pangitain siya ng mga pulitikong masasawi.

6. Sa ikaanim na pangitain, binanggit ni Rudy ang pagkasawi ng isang batikan na aktor.

7. At ang panghuli, may nakikita pa itong malalakas na lindol.

Subalit sa kabila ng lahat ng pangitain niyang ito, binigyang diin at ipina-alala pa din ni Rudy na laging maging maingat at huwag kalilimutang manalangin sa Diyos dahil siya lamang ang magiging gabay at sadyang may kapangyarihan sa mga maaaring mangyari sa kasalukuyan at hinaharap.



Source: GMA Entertainment