Anak ng teacher na binastos at minura ng mga estudyante, ipinagtanggol ang ama; Naglabas ng sama ng loob - The Daily Sentry


Anak ng teacher na binastos at minura ng mga estudyante, ipinagtanggol ang ama; Naglabas ng sama ng loob



Kung masakit para sa isang magulang ang bastusin o murahin ng ibang tao ang kanilang mga anak, ganun rin ang mararamdaman ng mga anak kapag ginawa ito sa kanilang mga magulang.
Laire marie Machacon / Larawan mula sa kanyang Facebook

Lalo na kung ang magulang ay isang guro na karapat dapat lamang makatanggap ng respeto at paggalang sa kanyang mga estudyante.

Kaya naman hindi napigilan ng isang cabin crew na ilabas ang kaniyang sama ng loob matapos mabasa ang viral Facebook post na naglalaman ng usapan ng mga estudyante sa group chat kung saan minura at binastos ang kanyang ama dahil lamang sa modules.
Laire marie Machacon / Larawan mula sa kanyang Facebook

Sa Facebook post ni Laire Marie Machacon, ipinagtanggol at binigyang-pugay niya ang kanyang amang si Sir Hands Machacon na isang Match teacher.

To everyone who has really gone oceans and given light to people on their own experiences on how patient, kind-hearted, and good my father is, thank you,” aniya.

Kwento ni Laire, halos hindi umano siya makatulong matapos niyang mabasa ang viral post. Aniya, hindi siya makapaniwla na may magsasabi sa kanyang ama na ‘yawa’ (isang uri ng mura), mamatay na ito, ‘animal,’ ‘bobo,’ at marami pang iba.

Nang sabihin umano niya ito sa kaniyang ama, nagkibit-balikat lamang ito at sinabing hayaan na lamang umano sila. Ngunit hindi ito matanggap ni Laire.

Hindi umano ‘bobo’ ang kaniyang ama; sa katunayan, isa itong Civil at Geodetic Engineer, at naging topnotcher pa sa board exam.

Papa is both a Civil Engineer and a Geodetic Engineer, a TOPNOTCHER. And if you give him any Math problem, he’ll look into it, study it for a few minutes and solve it. In other words, Papa eats numbers and equations for breakfast!” sabi ng cabin crew.

Nalulungkot umano si Laire dahil tila walang manners ang mga estudyante ng kanyang ama.

Sinubukan rin niyang makipag-usap sa mga magulang ng mga estudyante ngunit dalawa lamang  ang kanyang nakausap.

I tried my best to reach out to the parents of the kids however I was only able to reach 2 of them. Professionally, I asked them if they are aware of what their kid did and what actions could have caused it and what can they do about it.”

Nagpasalamat naman si Laire sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanyang ama.

Again, thank you to everyone who’s always cheering papa up. Love and light! To Papa Hans Machacon, you have a lot of genuine people who’ve got you pa. We all love you!” pagbibigay-pugay niya sa kaniyang ama.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng paaralang pinaglilingkuran ng kaniyang ama, o ang Department of Education o DepEd hinggil sa isyung ito.

Basahin ang buong post ni Laire sa ibaba:

“To everyone who has really gone oceans and giving light to people on their own experiences on how patient, kind-hearted, and good my father is, thank you. 

It has recently gone viral how some students treated Papa with disrespect, grabe akong kurog ato na time when a friend sent me a link of what happened. I couldn't sleep that night thinking how there are students na maka yano yano ug tubag sa teacher ug "yawa" "kamatay sir" "atay" "animal" "bogo" sa group chat nila for their modules.

When I messaged my dad, all he said was "Sige lang dae kay basin naa silay problema sa ilaha." INGUN ANA KA BUOTAN SI PAPA KUWANG NALANG MA SANTO NI SIYA.

Papa is both a Civil Engineer and a Geodetic Engineer, a TOPNOTCHER. And if you give him any math problem, he'll look into it, study it for a few minutes and solve it. In other words, Papa eats numbers and equations for breakfast!

These kids are around 12-14 years old and yes they may sound young but they are old enough to know what MANNERS are and which is right or wrong. I tried my best to reach out to the parents of the kids however i was only able to reach 2 of them. Professionally, I asked them if they are aware of what their kid did and what actions could have caused it and what can they do about it.

It breaks my heart. I know it's not the first time that an incident like this happened. There may be teachers who have experienced this type of behavior from their students but it was not known by many. All I can say is, I am looking forward on how this can be settled. There should be consequences for people who deserve it!

Again, thank you to everyone who's always cheering papa up. Love and light! 

To Papa Hans Machacon, you have a lot of genuine people who's got you pa. We all love you.”

Samantala, ayon kay Mary Grace Sumalinog, kaklase ng mga estudyanteng sangkot sa viral post, maging ang kanilang guro sa Filipino subject ay hindi nakayanan ang bastos na pag-uugali ng kanyang mga kaklase kaya umalis sa naturang group chat.

Narito ang mga screenshots ng viral na usapan ng mga estudyante sa group chat. Nasa dialektong bisaya ang mga ito.


***