Artistang si Mahal, sumunod lang ng araw sa pagyao ng Ama; Mga kapatid nilinaw ang isyu sa pagdiin umano kay Mygz sa nangyari - The Daily Sentry


Artistang si Mahal, sumunod lang ng araw sa pagyao ng Ama; Mga kapatid nilinaw ang isyu sa pagdiin umano kay Mygz sa nangyari





Marami ang nabigla at hindi parin makapaniwala sa nakakalungkot na balita sa biglaang pagpanaw ni Mahal o Noemi Tesorero sa totoong buhay. Labis itong ikinalungkot hindi lang ng kanyang mga mahal na pamilya kundi ng marami niyang mga taga-suporta at mga napasaya dahil sa kanyang nakakahawang tawa at natural na komedya. 


Hindi maitago ng mga naiwang mga kapatid ni Mahal ang sobrang paghihinagpis at kalungkutan dahil ayon pa sa nakakabatang kapatid ni Mahal na si Jason Tesoreso, isang Pulis, sumunod lang din ang kanilang Ate sa pagpanaw ng kanilang Ama nito lang August 4, dahil din umano sa sakit na c0vid. 



“Yang isa, si Father namin yan. Namatay. Yun sinabayan, sumunod siya kay Papa.” ito ang sagot ni Jason nang tanungin kung bakit dalawang urn ang magkatabing nakapatong sa isang altar. 



Si Mahal ang panganay sa mga magkakapatid, na ayon pa kay Jason ay naabutan niya at naging kaklase pa niya noon. 


“Panganay namin, tapos siya pa ang baby namin. Matalino pa yan sa akin,”


Ikinuwento din niyang hindi niya lubos matanggap nung una dahil simpleng ubo’t sipon lang umano ang iniinda ng kanilang panganay. 


“Ako nabigla talaga ako, kasi nasa kasagsagan ako sa trabaho ko nun ih. Sinabihan lang kami na ihanda na namin mga sarili namin. Ako naman, kakayanin niya yan,” aniya


“Di rin ako nag-alala kasi normal naman sa kanya yang ubo’t sipon lang yan. At yun, nagulat nalang kami,” 


“Habang na sa byahe ako, tumutulo yung luha ko,” dagdag pa ni Jason


At naging taliwas sa mga kumakalat ng balita na sinisisi umano ng pamilya ni Mahal si Mygz Molino sa pagkawala ng kanilang kapatid.




Binigyang linaw nila na hindi nila kailanman sinisisi si Mygz sa nangyari bagkus ay pinapasalamatan pa nila ito dahil nakikita naman nila na naging masaya ang kanilang Ate Mahal sa kanilang pagsasama. 


“Nagpapasalamat ako sa kanila, na hanggang sa huli ay ginawa nila lahat ng makakaya nila,” 


Wala kaming sinisisi. Nagpapasalamat pa nga kami, dahil hanggang sa huling hininga ni Mahal ay hindi sila tumigil at walang sawa na maghanap ng paraan kung paano maisalba ang buhay ni Mahal. 


Dagdag pa ni Lani Tesorero, isa sa nakababatang kapatid ni Mahal, nagpasalamat ang kanilang pamilya kay Mygz dahil sa pasensya at pang-uunawa nito sa kapatid nilang pasaway kung minsan at sa pag-aalaga sa kanilang Ate at hindi niya iniwan hanggang sa huling hininga nito. 



Ikinagulat ng buomg entertainment industry ang pagpanaw ni Mahal dahil kamakailan nga lamang ay  napanood pa ito sa isang vlog kung saan binisita at tinulungan pa niya ang dating katambal at  nahihiraapang kaibigan  na si Mura. 




May mensahe din ng pasasalamat ang magkapatid para sa mga taga-hanga ng kanilang kapatid. 


"Sa mga fans ni Mahal, maraming salamat sa walang saya niyo sa pag suporta sa kapatid ko. Hanggang sa huli ay nandiyan parin kayo. Maraming salamat sa inyo. Sana wag nating makaklimutan si Mahal, yung tawa niya,"  

Benny Andaya


***

Source:  TimeNewsBenny Andaya

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!