Isang lola, pilit gumagapang kahit tirik na tirik ang araw upang makahingi ng pagkain sa kanyang kakilala - The Daily Sentry


Isang lola, pilit gumagapang kahit tirik na tirik ang araw upang makahingi ng pagkain sa kanyang kakilala



Viral sa social media ang video na in-upload ng netizen na si Marialyn Perigrino kung saan mapapanood ang isang lola na pilit gumagapang sa semento upang makahingi umano ng pagkain sa kanyang kakilala.
Screencap mula sa video ni Marialyn Perigrino

Sa video ay maririnig na pinipigilan ni Marialyn si lola na tumuloy sa kanyang pupuntahan dahil malayo raw ito at mas lalo lamang siyang mahihirapan dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Makikita rin sa video ang isang foam na inuupuan ni lola habang siya ay unti unting gumagapang.

Panawagan ni Marialyn, sana raw ay matulungan ang matanda dahil naaawa siya rito.
Screencap mula sa video ni Marialyn Perigrino
Screencap mula sa video ni Marialyn Perigrino

Sana po matulungan nio c nanay EDITA   sa kantang kalagayan po,,, gumagapang po cia para makarating sa pupuntahan nia at manghingi mg pagkain NIA,, Amen sana Sir Basel matulungan mo c nanay.”

Ayon sa comment section, taga DasmariƱas, Cavite umano si lola Edita.
Screencap mula sa video ni Marialyn Perigrino
Screencap mula sa video ni Marialyn Perigrino
Screencap mula sa video ni Marialyn Perigrino

Samantala, may mga netizens na bumatikos sa uploader dahil imbes na tulungan nito si lola ay nagvideo lamang siya.

Dapat binigyan mo muna ng pagkain bago mo sya videohan kawawa naman,” sabi ni Catherine Mutuc Barrera.

ikaw na nagblovlog sa kanya panay kuha ng vvideo bakit di mo na lang tulungan bigyan ng makain at ipaupo mo sa isang lugar na hindi mainit video ka ng video,” sabi ni Lorna Santos.

Nakakatungkot inuna pa mag vedio kaysa tumulong kay lola,” sabi naman ni Cristee Christee.

Depensa naman ni Marialyn, “hirap din po kame sa buhay binigyan nmn po pag may subra o sumubra sa amin may mg aanak din po ako maliliit Pa at nag kataon na may sakit Pa kaming mag asawa,,, uso po ang trangkaso maam,,

Dagdag pa niya, may vlogger narin daw na tumulong kay lola at binigyan ito ng wheelchair.

May tumulong n po kay nanay c Taong Gala vlogger po panoorin niyo Taong Gala you tube chanel nagbigay po cia ng wheelchair,” sabi ni Marialyn.

Panoorin ang video sa ibaba:



***
Source: Facebook