Osang sa paghingi ng tawad kay Lorna: "Niyakap ko siya, naiyak talaga ako!" - The Daily Sentry


Osang sa paghingi ng tawad kay Lorna: "Niyakap ko siya, naiyak talaga ako!"



Matapos ang ilang taon ay sa wakas at nagkabati na rin ang dalawang batikang aktres na sina Lorna Tolentino at Rosanna Roces.

Inamin ni Osang na buong pagpapakumbaba siyang lumapit kay Lorna upang humingi ng tawad nang magkaroon ito ng pagkakaton sa taping ng Kapamilya action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano.




Muling nagkita ang dalawang aktres makalipas ang ilang taon. Kung matatandaan, nagkaroon ng alitan sina Lorna at Osang ng maugnay ang dating seksi star sa yumaong asawa ni LT na si "Daboy" Rudy Fernandez.

Nakatambal ng actor na si Rudy ang noo'y sikat na seksi star Rosanna sa TV show na Daboy en Da Girl (2002-2003), na itinuturong dahilan kung saan sila'y nagkaroon ng ugnayan.

LT and Daboy | Facebook

Rosanna Roces | Facebook


Inilahad naman ng Talent Manager na si Ogie Diaz ang magandang balitang ito at ibinahagi ang ilang pahayag at kwento ni Osang hinggil sa napabalitang pagbabati nila ni LT sa kaniyang vlog.

Ayon daw kay Rosanna, "Binati na ako ni LT. Ginawa ko niyakap ko (siya). Tapos sinabi ko, ‘Galit ka pa sa akin?’ Sabi niya, ‘Hindi na, ang tagal na nun."

"Niyakap ko ulit siya sabay sabi ko, ‘Sorry.’ Naiyak ako. Sabi niya, ‘Hayaan mo nasa langit na ‘yung isa,'"

Lorna, Rosanna | Facebook

Rosanna, Lorna | Facebook


"Ang gaan sa pakiramdam, mare. Kinawayan niya ako. Tapos umakyat ako sa standby area nila. Doon ako nag-sorry."

"Kahapon magkaeksena kami pero hindi ako nakakuha ng tiyempo. Kanina lang. May nai-close na naman akong pahina,” dagdag pa nito.

Narito naman ang naging mensahe ni Lorna Tolentino sa kaugnay na balita:

"Past is past. Pandemic. Tayo ay magpatawad"

“Peace [peace emoji] to make the world a better place.”

Rudy and Lorna | Facebook

Lorna Tolentino | Facebook