Nakasanayan na nating mga mamimili na hindi i-check ang presyo sa resibo ng ating mga pinamili. Lalo na kung tayo ay nagmamadali o walang oras upang isa-isahin itong tignan.
Photo credit: Serge Julaton Noda Gonzales
Samantala, isang netizen ang nagbabala at nagpaalala na laging i-double check ang ating resibo dahil minsan ay magkaiba ang presyo ng isang item sa price tag pagdating sa counter o cashier.
Sa Facebook post ni Serge Julaton Noda Gonzales, ibinahagi nito ang karanasan sa isang sikat na supermarket kung saan makikita sa mga in-upload niyang larawan na magkaiba ang presyo ng dalawang binili niya kumpara sa nakalagay na price tag.
Photo credit: Serge Julaton Noda Gonzales
Aniya, ang presyo sa price tag ng Mang Tomas ay P29.50, pero pagdating daw sa cashier at pagtingin niya sa resibo ay P34.50 ang nakalagay.
Pati ang biniling giniling ay iba rin ang presyo. P210.19 ang nasa price tag ngunit sa resibo ay P214.72 na.
Kwento ni Gonzales, habang nag-uusap sila ng cashier ay may isang babaeng nakikinig sa kanila na biglang umalis. At nang ipatawag niya ang manager ay nagulat siya dahil yung babaeng nakikinig sa kanila ay ang mismong manager pala.
“Sa usapan namin ng kahera sabi ko tawagin nya ang manager…. At nung tinawag nya… ayun na nga nagulat pa ako kung sino yung nakikinig sa usapan namin sta pala yung manager… sabi ko sa knya maam bakit kanina naririnig muna usapan namin bakit di kapa nakialam… haissst di lng sya sumagot,” sabi ni Gonzales.
Ayon sa manager, hindi lang daw napalitan ng kanilang tao ang price tag na nakalagay sa mga items.
“PATAY MALISYA YUNG MANAGER!!! PARANG ALAM NA NYA ANG KALAKARAN!!!!” sabi ni Gonzales.
Dagdag pa ni Gonzales, kung hindi napalitan ang price tag sa nasabing item, bakit raw pagdating sa binili niyang giniling ay iba rin ang presyo.
“Eh paano ung machine nila sa pagkilo at pgpresyo ng baboy????!!!! Di rin naplitan??!!!!!” tanong niya.
Duda ni Gonzales ay m0dus at matagal na ang ganitong kalakaran sa nasabing supermarket store.
“Sinabi ko na sa counter!!! Wag sila magdahilan na ngayon lang yan dahil marami ako nabasa sa gc!!! Haissssttt grabe sagot lang nila sakin bibigyan lang daw nila ng disciplinary action yung tao na nagkamali???? HUH??????!!!!!!!! So paano yung nakalagay sa system nyo na kiluhan???!!! Na nagkamali din????”
“HINDI KAYA M0DUS NA DIN TALAGA TO NG SM SAVEMORE???? GRABE PANLOLOKO SA MGA CONSUMER!!!!” dagdag niya.
Basahin ang buong post ng netizen sa ibaba:
“AUGUST 30,2021!!!! DOUBLE CHECK DOUBLE CHECK DOUBLE CHECK! SAVEMORE MPLACE!!!
grabe! Bawat sentimo mahalaga sa panahon ngayon!!!!
May nabasa na ako ganito sa GC namin dito sa condo na sobra sobra ang nakapunch na sisingilin kapag nagbayad kana sa grocery!!! Akala ko nung nabasa ko un… baka nagkamali lang ng isang beses… pero dami ko na nabasa comment…na same experience! And GRABE NA EXPERIENCE KO DIN!!! Haisssttt TOTOO PALA TALAGA!!! AKALA NATIN MAS OK SA GROCERY BUMILI NG ITEM! Kaysa sa palengke kasi di naman sa nilalahat may madadayang timbangan sa palengke… pero GRABE GRABE!!! MAS MALALA PALA SA GROCERY!!!! di lang mga pork pati ibang items!!!! Iba nakalagay sa tag nila tapos kapag magbabayad kana MAS MAHAL!!!!
experience ko ito august 30,2021 yung mang tomas sa tag nila 29.50 pero sa resibo na binayaran!!!! 34.50!!!!!ABA ABA LIMANG PISO DIN YUN!!!
Tapos itong giniling!!!! 210.19 sa tag!!! Pero sa resibo!!! 214.72!!!! ABA ABA APAT NA PISO DIN YUN!!!!!!
at nakakatawa pa!!! May isang nakikinig sa usapan namin ng kahera na staff… tapos umalis…. Sa usapan namin ng kahera sabi ko tawagin nya ang manager…. At nung tinawag nya… ayun na nga nagulat pa ako kung sino yung nakikinig sa usapan namin sta pala yung manager… sabi ko sa knya maam bakit kanina naririnig muna usapan namin bakit di kapa nakialam… haissst di lng sya sumagot sinabi lang na dinlang daw napalitan ng tao yung tag… PATAY MALISYA YUNG MANAGER!!! PARANG ALAM NA NYA ANG KALAKARAN!!!!
Sabihin na natin na 9 pesos lang hinahabol Ko sa pagkakamali nila na ang dahilan daw! Di daw napalitan yung tag!!!! Eh paano ung machine nila sa pagkilo at pgpresyo ng baboy????!!!! Di rin naplitan??!!!!!
Sabihin lang natin na 9pesos lang ang sobra sa siningil sa atin…. Sa araw araw ilang daan ang nagogrocery!!! Magkano nakukuha nila sa ganyan???!!!! At for the first time bgayon lang ako nagdouble check ng resibo ahhhhh!!! So ibig sabihin kung di pa dahil sa nabasa ko sa GC natin dito sa condo di pa ako ma aalarm!!! Grabe!!!
Sinabi ko na sa counter!!! Wag sila magdahilan na ngayon lang yan dahil marami ako nabasa sa gc!!! Haissssttt grabe sagot lang nila sakin bibigyan lang daw nila ng disciplinary action yung tao na nagkamali???? HUH??????!!!!!!!! So paano yung nakalagay sa system nyo na kiluhan???!!! Na nagkamali din????
HINDI KAYA M0DUS NA DIN TALAGA TO NG SM SAVEMORE???? GRABE PANLOLOKO SA MGA CONSUMER!!!!”
***
Source: Serge Julaton Noda Gonzales | Facebook
Source: Serge Julaton Noda Gonzales | Facebook