Silipin ang masayang buhay ngayon ng dating sikat na seksi star, Diana Zubiri. - The Daily Sentry


Silipin ang masayang buhay ngayon ng dating sikat na seksi star, Diana Zubiri.



Isa sa pinaka pinagpapantasyahan noong early 2000's ang artistang si Diana Zubiri at bukod sa pgiging seksi star ay nakilala rin ang aktres sa husay nito sa pag arte dahilan para mapabilang ito sa mga sikat na palabas.

Lalo pa itong nakilala ng maging isa siya sa mga nag bida sa napakagandang fantaserye noon na "Encantadia"




Matapos ang maraming proyekto, pansamantalang iniwan ng aktres ang industriya at nagkaroon ito ng pamilya. Ikinasal si Diana sa kanyang long time boyfriend na si Andy Smith.

Biniyayaan ang lovely couple ng tatlong anak at kamakailan ay ibinahagi ni Diana sa kanyang social media account ang larawan ng kanyang pangatlong anak na si Amira Jade.

Napaka-cute at inaasahang magmamana sa kagandahan ng kaniyang ina ang bata. Bukod dito, agaw pansin rin ang light grey eyes ng malusog na baby.

Diana Zubiri | Instagram

Diana Zubiri | Instagram


Kung pagmamasdang mabuti ay nagbabago ang kulay ng mga mata nito mula sa orihinal na kulay na brown na nagbabago at nagiging kulay light grey.

Labis naman itong inalala ng mag asawa kaya minabuti nila itong ipasuri upang matiyak ang kaligtasan ng mga mata ni Amira Jade.

Ayon sa doktor na sumuri, hindi naman ito dapat ipangamba ng mag-asawa dahil hindi naman ito dahilan upang magkaroon ng posibleng sakit sa hinaharap ang bata. Bagkus ay maaring hereditary di umano ang mga mata ni baby Amira na namana sa kaniyang lola ng kaniyang ama na si Mary Elaine Park Smith.

Diana Zubiri | Instagram

Diana Zubiri | Instagram


Sa isang artikulo naman mula Mental Floss na tinatalakay ang tungkol sa mga pagbabago sa kulay ng mata ng mga bata, normal ang sitwasyon ng anak ni Diana at may kinalaman ito sa 'melanin'. Kung saan talagang nagbabago ang kulay ng mata ng baby lalo na't may lahi ang mga ito.

Dahil dito ay wala ng dapat pang ipangamba ang sikat na aktres sa sitwasyon ng kaniyang baby Amira.

Ngayon ay masayang namumuhay ang pamilya ni Diana sa ibang bansa at tutok muna ang atensyon niya dito't wala muna sa isip ang pagbabalik sa industriya. Lalo na ngayon na maliliit pa ang kaniyang mga anak.

Diana Zubiri | Instagram

Diana Zubiri | Instagram