Sunshine Cruz, matapang na ibinahagi ang mapait na karanasan sa honeymoon nila ni Cesar Montano - The Daily Sentry


Sunshine Cruz, matapang na ibinahagi ang mapait na karanasan sa honeymoon nila ni Cesar Montano



"Sa sobrang saya ko ngayon, lahat ng kaaway ko, kahit yung mga may utang sa akin, patatawarin ko! Ngayong araw lang, ha!"
Photo credit: YES Magazine

Yan ang mga katagang nasambit ni Sunshine Cruz sa isang panayan ng PEP.ph sa kanya noong Setyembre 18, 2018, matapos magdesisyon ang korte patungkol sa annulment case nila ng dating asawang si Cesar Montano.

Makalipas ang apat na taon, tinapos na din ng korte ang 13 taong kasal nina Sunshine at Cesar. Ang tatlong anak nila na sina Angelina Isabelle, Samantha, at Chesca ay nasa puder ng aktres.
Photo credit: Sunshine Cruz | IG
Photo credit: YES Magazine

"Annulled na ako! Napasigaw talaga ako nung nalaman ko. Yung malakas na sigaw, dinig hanggang baba! Nagulat buong bahay!" pahayag ni Sunshine.

Ang dapat sanang house shoot at interview kay Sunshine ay naging special interview na dahil para sa aktres iyon ang unang opisyal na araw na siya ay single na muli.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong September 14, 2020. 24-taong gulang lamang noon ang aktres at 38 naman si Cesar.
Photo credit: YES Magazine
Photo credit: PEP

Naging enggrande rin ang kanilang kasal noon na ginanap sa beach side ng Manila Bay. Dinaluhan ito ng mga kilalang personalidad at ilang politiko.

Ayon kay Sunshine, alam niyang tunay ang pagmamahal sa kanya ni Cesar.

"I know, I know that he really loved me, alam ko yun. Hindi niya ako papakasalan kung hindi niya ako minahal--at mahal na mahal ko siya, talagang I fell for him. Talagang kinilig ako sa kanya lalo na nung pinapanood niya sa akin yung Jose Rizal,” saad ni Sunshine.
Cesar Montano / Photo credit to the owner
Cesar Montano / Photo credit to the owner

"Parang, shucks, di ba? Nililigawan ako ng isang ganun. He was really charming, napakasimpatiko talaga, e, and saka guwapo naman talaga. 'Tapos, napakagaling na artista. And yun nga, naniwala lang ako nung sinabi niya na, 'Sawa na ako sa kalokohan, sa pambababae,’”. dagdag ni Sunshine. 

Ito rin daw ang mga salitang sinabi ni Cesar sa kanyang ama na si Danny Cruz.

"Yun din ang sinabi niya naman sa tatay ko before. Binisita niya ang papa ko that time sa Mandarin Hotel kasi dun nagpi-play ang papa, 'no, yung band ng papa ko.”
Photo credit: Sunshine Cruz IG
Photo credit to the owner

"And sinabi sa kanya talaga ni Papa na, 'Cesar, kasi hindi talaga kita gusto. Kasi kung babaero ka, babaero din ako, e,' sabi niya.
 
"And, ang sabi niya sa papa ko, 'E, sir, pasensiya na ho kayo kung yung anak niyo ho yung magiging way para ho magbago ako.'

"So, di ba ganun, na may thinking naman talaga yung mga girls na, 'Maybe ako na yung makakapagpabago sa kanya.'" saad ni Sunshine.

Kwento niya, naging masaya siya noon dahil napabago umano niya ang pagiging babaero ni Cesar.

Naging role model din niya noon ang kaniyang mga magulang dahil sa tagal at tibay ng pagsasama ng mga ito, kaya naman siya ay nanatili din kay Cesar sa loob ng 13 taon.

"So yun yung, parang, I was thinking na pag kinasal ka na, fairytale na, and we live happily ever after. Magkakaroon ka ng mga anak, and we'll be happy. Ganoong-ganoon ang iniisip ko noon."

Ngunit hindi natagal, tulad ng ibang ikinasal, nalaman ni Sunshine na hindi pala ganoon kadali ang buhay mag-asawa.

"Masakit man aminin, pero honeymoon pa lang. Tinapon niya yung wedding ring namin sa ano, nung nag-Carribean cruise kami,” sabi ni Sunshine.

Dagdag pa niya, pati raw ang mga ginawang pelikula niya noon ay ginawang isyu ni Cesar.

Aniya, noong sila ay nasa honeymoon palang ay pinipilit siya ni Cesar na amining totoo ang mga naging s3x scenes niya sa kanyang ilang pelikula.
Photo credit to the owner
Photo credit: YES Magazine

Kahit na takot noon si Sunshine ay mas pinili pa rin niyang lumaban.

"Sa honeymoon namin, sabi ko, 'Kahit balatan mo ako, kahit itapon mo ako sa dagat, wala akong aaminin! Kasi, hindi totoo!'"

"Sabi ko, that was a time na dapat masaya, honeymoon, nag-e-enjoy. Ano talaga, grabe."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw maintindihan ng aktres kung bakit naging isyu kay Cesar ang mga s3xy movies niya.
Sunshine Cruz and Cesar Montano / Photo credit to the owner
Sunshine Cruz and Cesar Montano / Photo credit PEP

"It's just unfair for me. Siya ang first boyfriend ko! So what is there to prove?" saad niya.

Doon pa lang ay nalaman na ni Sunshine na ang lalaking kanyang pinakasalan ay mainitin ang ulo at magulong tao.

"Yun nga, tinapon niya yung wedding ring namin... Siguro, mas marami yung times na ganun siya, kesa yung kalmado siya. And I was thinking na, maybe, it was just yung pagpapalaki sa kanya, upbringing niya. Baka talaga medyo may temper lang. Yun yung iniisip ko--may temper lang. Tapos, lagi sa 'kin sinasabi ng ibang tao na, 'Maybe you just have to prove your worth as a person.' Ganun na lang lagi. That's what I did. Napasubo na ako, kasal na ako--anong gagawin ko?"
Sunshine Cruz and Cesar Montano / Photo credit to the owner
Sunshine Cruz and Cesar Montano / Photo credit to the owner

Sa loob ng 13 years ay itinago ni Sunshine ang hindi magandang pagsasama nila ni Cesar ngunit inamin niyang ilang beses na siyang umalis sa bahay nila ni Cesar.

Noong December 2007 ay umalis si Sunshine sa kanilang bahay sa Quezon City sa kasagsagan ng Pasko at isinama ang tatlng anak.

Ito ay matapos silang magkaroon ng matinding pagtatalo dahil sa suspetsa ng aktres na mayroong affair si Cesar sa Brazilian model na si Mariana del Rio, 16-years old.
Mariana del Rio / Phot credit to the owner
Mariana del Rio / Phot credit to the owner

Ngunit, ibinalik lamang sa kaniya ni Cesar ang isyu at sinabi pa sa kaniya na siya ay isang p0rn star lamang. Dahil dito, pinili ni Sunshine na umalis sa kanilang bahay.

"Sa totoo lang naman e aminado 'ko na maraming beses ako nag-alsa balutan. Maraming beses tatakbo ako sa nanay ko, sa parents ko, kasama lahat ng gamit ko. May balikbayan boxes na nga akong available, e. Pero makalipas ang ilang araw, susunduin niya ako sa bahay, kakausapin niya yung parents ko."

"Yun nga, kasi, talagang. Hanggang kaya, hanggang kakayanin, kakayanin ko talaga."
Krista Miller / Photo credit to the owner
Krista Miller / Photo credit to the owner

Nanatili raw si Sunshine sa kanilang pagsasama dahil mahal na mahal niya si Cesar.

"I really fell in love with him. It's ano naman, e, talagang something na I will never deny."

Ngunit napadesisyunan niyang tapusin ang kanilang relasyon matapos niyang malaman na mayroon itong ibang babaeng kinakausap. Ito ay si Krista Miller, ang naging leading lady ni Cesar sa isang pelikula niya. 

Hindi lamang pagbababae ang ginawa ng aktor, maging pananakit ay naranasan ni Sushine. Kaya naman nagsampa ang aktres ng kaso laban sa dati niyang asawa.

Noong Setyembre 18, 2018, nakuha na ni Sunshine ang kalayaan na matagal na niyang ninanais na makuha.
Photo credit from Sunshine Cruz's IG
Photo credit from Sunshine Cruz's IG

Sa ngayon, masaya na ang actress kasama ang kaniyang tatlong anak at bagong kinakasama na si Macky Mathay.


***
Source: PEP