Barbie Imperial at Christine Samson, idinadawit sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao - The Daily Sentry


Barbie Imperial at Christine Samson, idinadawit sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao



Kahit na gustong manahimik na lamang ng kakahiwalay na sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, mukhang hindi matahimik ang mga Marites at patuloy ang kanilang pag-iimbestiga kung ano at sino nga ba ang dahilan sa paghihiwalay ng dalawa.
Wil Dasovich, Alodia Gosiengfiao, Christine Samson at Barbie Imperial / Photo credit to the owner

Noong Nobyembre 15 sa kanyang Facebook post ay matatandaang kinumpirma ni Alodia na hiwalay na sila ni Wil.

To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives,” aniya.
Screencap from Alodia's Facebook account

Kinabukasan ay isang isang simpleng litrato naman na may simpleng caption ang kaniyang ipinost.

One step at a time,” aniya. 
Screencap from Alodia's Facebook account

Bumaha naman ng mga encouraging words ang comment section mula sa mga taga-suporta ni Alodia.

May mga ilang netizens ang nagsasabing sana raw ay magkaayos pa ang dalawa lalo na’t si Alodia ang kasama ni Wil noong siya ay nakikipaglaban sa sakit na canc*r.

Si Wil naman, may IG post tungkol sa pagmo-move forward, nitong Nobyembre 16.
Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao / Photo from Google
Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao / Photo from Google

“Keep moving forward, because there is no other option. You can rest, you can eat, sleep, pray, do what you need to do to find your strength, and then when you are ready we move again. We always move. If you stop moving, so does your life.

Simple, yet powerful words from my Sherpa friends.”

Samantala, dahil sa mga Marites ay patuloy ang usap-usapan kung bakit naghiwalay ang dalawa. Sa TikTok ay nadawit ang pangalan nina 'Genie-nga’ na si Christine Samson, at Kapamilya actress na si Barbie Imperial.
Christine Samson / Photo from Google
Barbie Imperial / Photo from Google

Si Christine ay kaibigan nina Alodia at Wil at madalas pang makasama sa TikTok videos o vlogs. Bago makilala sa It’s Showtime bilang si ‘Genie-nga’, isa siyang video game streamer.

Ngunit ang nakakapagtaka ay bakit pati si Barbie ay naisama sa isyu gayong alam naman ng lahat na magkarelasyon sila ni Diego Loyzaga.

Mas lalo pang uminit ang isyu nang magbigay ng blind-item si Xian Gaza kung saan maraming nagsasabing tungkol kina Alodia at Wil ang mga ito.


Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring kumpirmasyon mula kina Alodia at Will kung third party nga ba ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksyon sina Christine at Barbie hinggil sa isyu at alegasyong ipinakakalat ngayon ng mga Marites sa online world.


***
Source: Balita