Cristy Fermin, pinayuhan si Jinkee na matulog na lang imbis na ibida ang mga mamahaling damit pantulog nito. - The Daily Sentry


Cristy Fermin, pinayuhan si Jinkee na matulog na lang imbis na ibida ang mga mamahaling damit pantulog nito.



Muli nanamang nagbitaw ng nakakawiwindang na komento ang isa sa tinaguriang Lider ng mga Marites at beteranang kolumnista na si Cristy Fermin ng punahin nito ang asawa ng pambansang kamao at presidential aspirant na si Manny Pacquiao.

Sa kaniyang programang 'Cristy Ferminute', tinalakay dito ang pagkukumpara ng social media kay Heart Evangelista at Jinkee Pacquiao.




Ayon daw sa mga netizens, hindi nalalayo ang dalawa sa isa't isa dahil pareho itong alipin ng kanilang mga alahas at mga mamahaling mga kagamitan.

Ngunit para kay Nay Cristy, hindi dapat na pag kumparahin ang dalawa dahil malaki ang diperensiya nila sa isa't isa.

Aniya, may rason ang pagpapabongga ni Heart ng kanyang mga gamit at yun ay dahil sa programa nito na "I Left My Heart In Sorsogon".

Cristy Fermin | Facebook

Cristy Fermin | Facebook


Bahagi daw umano ito ng role niya, na kung saan ay ilalathala ang kwento ng isang probinsyana na nangarap, nagsikap at nagtagumpay sa lungsod.

Taliwas kay Jinkee na aniya ay wala naman daw pinagbibidahang teleserye.

"Naninibago lang po tayo kay Jinkee Pacquiao kasi alam naman po natin na kahit na bulaklak ng halaman dati eh wala naman siyang mga hikaw."

Jinkee Pacquiao | Facebook

Jinkee Pacquiao | Facebook


"Tapos biglang ganyan na po siya ngayon na ipinangangalandakan na niya sa buong mundo ang kanyang mga ari-arian."

Madalas raw ay iniisa isa ang presyo ng mga kasuotan nito sa social media upang malaman ang kabuuang halaga at kung gaano kamahal ang mga ito.

Dahil dito ay nabigay ng kaniyang opinion si Cristy Fermin ukol sa mga mamahaling pantulog ni Jinkee Pacquiao.

Jinkee Pacquiao | Facebook

Jinkee Pacquiao | Facebook


"Yung akin naman, tutulog ka na papakita mo pa yung pantulog mo. Eh di matulog ka na lang sana agad-agad. Di ba? Anu ba? Nakakaloka!"

"Matutulog ka na lang sasabihin mo pa naka-Louis Vuitton na tsinelas ka, Chanel ang pantulog mo. Di ba? Matulog ka na lang sana agad, huwag mo na ipinagmamalaki pa 'yang mga suot mo."

"Yun lang naman...Kaya kitang-kita mo talaga...Yung kay Heart, serye yon, yun ang ikot ng kwento talaga. Eh siya naman, ni wala ngang mini-serye, di ba?"

Wala namang naging sagot si Jinkee dito ngunit ilan sa mga netizen ang pumalag sa banat ni Nay Cristy.

Isa sa mga komento sa isyung ito ay sinabing, "Wala ka kasing magandang pantulog! Kung me maganda ka mang pantulog na ipapakita, hindi magmumukhang maganda, babangungutin pa makakakita!"

Panuorin dito ang kabuuang video: