Mula pa noon hanggang sa kanilang katandaan, pasan-pasan parin nila ang mga gampanin sa buhay.
Nakakalungkot pero hanggang kailan kaya sila mapapagod sa paghahanapbuhay para sa kanilang sarili o pamilya? May panahon pa kaya para sa kanila upang magpahinga ng kahit kaunti, huminto at lasapin ang kagandahan ng buhay ng hindi na napapagod?
Bumihag sa puso ng mga netizen ang isang post mula kay Samantha Ganapin Yara tungkol sa isang matanda na nakita niya sa gilid ng daan patuloy na nagbabanat ng buto kumita lang ng kahit kaunti.
Larawan mula kay Samantha Ganapin Yara |
"Inalok niya ako ng earrings for 20 pesos para lang daw may benta siya today and I have extra money naman kaya bumili ako. ako daw first customer niya today. 🥺 then after he asked me kung may kapatid daw ako na babae or mama, tapos binigyan niya ako ng isa pang hikaw for free. 🥺💗"
Kahit pa sa katandaan at kanyang kapansanan, pagod man ay bakas sa mukha niya ang pagiging masiyahin at palaging nakangiti sa kanyang mga inaalok.
“Tatay, proud ako sa’yo kasi sa kabila ng edad mo at kapansanan (isa lang po ang braso ni Tatay), nagawa mo pa rin maghanap buhay.”
Pakiusap rin ni Samantha sa mga tao na sana'y masuportahan at mapagbilhan si Tatay sa kanyang munting hanapbuhay.
Larawan mula kay Samantha Ganapin Yara |
Basahin ang kanyang buong post:
hello guys!
if you have extra money and mapadaan kayo sa jollibee rizal may matandang lalake po na nagtitinda ng mga bracelet, earrings, at necklace sa labas. matanda na po siya at masiyahin (lagi siya nakangiti pag kausap niya ako)
inalok niya ako ng earrings for 20 pesos para lang daw may benta siya today and I have extra money naman kaya bumili ako. ako daw first customer niya today. 🥺 then after he asked me kung may kapatid daw ako na babae or mama, tapos binigyan niya ako ng isa pang hikaw for free. 🥺💗
yung mga paninda niya ay 20 pesos, 50 pesos, 100 pesos, meron din pong 300 pesos. Pero mostly nasa 20-50 pesos lang po.
he insisted na bigyan pa ako ng bracelet and necklace FOR FREE pero tumanggi ako kasi wala na ako pambayad (wala na ako change) ☹️ sabi ko wag niya na ako bigyan, sabi niya “gusto ko lang maging mabait, kasi yan ang turo ng Panginoon.” 🙏
Larawan mula kay Samantha Ganapin Yara |
so please if mapadaan kayo and u have extra, pls buy kay Tatay! 💗
thank you guys. Happy New Year! 🎆🎇
‼️UPDATE: nakausap ko po si Tatay, 80 years old na po siya. Pinakita niya po Senior Citizen ID niya saakin.
PS. di ko po inexpect na magbblow up ito. i-clarify ko lang po yung location:
📍Jollibee Rizal Avenue, Puerto Princesa City, Palawan
Bumuhos naman ang mga suporta sa naging Donation drive ni Samantha lahat para kay Lolo Percival:
Hello po!! Na-overwhelm po ako sa dami ng gustong tumulong kay Tatay. Dahil nakita ko po na ang dami niyong gustong tumulong kay Tatay, tatanggap po ako ng donations para kay Tatay hanggang Linggo (January 9, 2022), at 12 noon.
Bakit po hanggang Linggo lang? Kasi paalis na rin po ako ng probinsya namin. Pasensya na po kayo.
Larawan mula kay Samantha Ganapin Yara |
As you can see po walang laman yung BPI ko. This to make sure na lahat po ng idodonate niyo dito, diretso withdraw ko at ibibigay ko kay Tatay. Magpapakita din po ako ng proof of transparency kung ulan na po yung natangggap para kay Tatay. Sa mga nais po magdonate, ito po yung detalye:
SALAMAT PO!