Anak, proud na matiyagang inaalagaan ang paralisadong ama - The Daily Sentry


Anak, proud na matiyagang inaalagaan ang paralisadong ama



Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak. Kaya naman sana ay ganito rin ang pagmamahal ng mga anak sa kanilang mga magulang.
Photo credit: Maria May San Juan

Magmula sa pagkabata ay inalagaan tayo ng ating mga magulang. Sila ang nagpakain, nagpaligo at nagturo sa ating ng maraming bagay.

Sa panahon ng kanilang pagtanda, kapag sila ay may sakit o mahina na ang katawan, sana ay iparamdam at ipakita rin natin sa kanilang kung ano ang sakripisyo at pagtitiis na ginawa nila noon para sa atin.

Katulad na lamang ng isang dalagang matiyang inaalagaan ang kanyang paralisadong ama.

Sa social media, viral ang Facebook post ni Maria May San Juan kung saan makikita ang mga larawan nila ng kanyang ama.
Photo credit: Maria May San Juan
Photo credit: Maria May San Juan

Bukod sa masasayang larawan nila, makikita rin ang pagpapaligo at pag-aasikaso ni Maria sa kanyang ama.

Ayon kay Maria, noong sila ay mga bata pa lamang ay ang kanilang ama ang nagpapaligo sa kanila, kaya naman ngayong mahina na ang katawan ng kanyang tatay ay siya naman ang gagawa nito.
Photo credit: Maria May San Juan
Photo credit: Maria May San Juan

salamt pa ang sarap sa pakiramdam  na nakikita kita at natututuwa ako kahit sa simpleng pag asikaso sayo na ,Appreciate mo yung ginagawa ko hayaan mo pa ako naman yung gagawa sayo neto  mahal na mahal kita papa,” sabi ni Maria.

Nagbigay rin ng payo si Maria sa mga kapwa niya anak na alagaan ang kanilang mga magulang.

Sa ngayon ay umabot na sa 41k reactions at 29k shares ang post ni Maria.

Basahin ang buong post sa ibaba:

“hindi ko alm kung paano ako mag papasalamat sayo pa  imagine sa tuwing papasok kame nung mga bata pa kame since elementary  ikaw yung nag papaligo samin sa ngayun ako naman  yung gumagawa neto salamt pa ang sarap sa pakiramdam  na nakikita kita at natututuwa ako kahit sa simpleng pag asikaso sayo na ,Appreciate mo yung ginagawa ko hayaan mo pa ako naman yung gagawa sayo neto  mahal na mahal kita papa.

kaya kayo habang nabubuhay pa mga magulang nyo alagaan nyo sila at iparamdam nyo yung ipinaramdam nila sainyo.”

Umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang ginawang pag-aalaga ni Maria sa kanyang ama.

“Good job ate girl sana all naalagaan pa ang magulang. naluha ako sayo naalala ko ang mama ko nung time na may sakit sya di ko man lang yan ngawa buntis ako nun 3months at lockdown namatay sya ng di kami ngkikita. 12years kmi di ngkita hanggang sa huli na pmamaalam nya di ko pa din sya nakita naluha ako sayo ng sobra sana all magagawa pa yan,” sabi ni Glaze Berango.

I feel you girl. Yung nasa hospital mama ko at di makatayo Ako Yung naglilinis sa kanya Ako Yung nagpapalit ng pampers nya pag my dume na. Kaya sinabe ko sa mama ko dati ikaw Yung nagpapalit ng pampers samen Nung mga Bata pa kame. Pero ngaun Ako na nagpapalit ng pampers mo. Nakakahiya man Kase lalake Ako. Pero ginagawa ko parin dahil sarap sa pakiramdam ng anak Naman Ang nagaalaga sa magulang,” sabi ni Antholyn Cruz.

yan ang mabuting anak... I PROUD OF YOU... ipagpatuloy mo lang pag alaga mo sa papa..dahil inalagaan karin ng papa,” sabi ni Ricky Aquino.