Ang masayang married life ng kapuso star na si Joyce Ching at asawang si Kevin Alimon, Ipinasilip. - The Daily Sentry


Ang masayang married life ng kapuso star na si Joyce Ching at asawang si Kevin Alimon, Ipinasilip.



Sa katatapos lang na ikalawang anibersaryo bilang mag-asawa nina Joyce Ching at ng non showbiz na asawa nitong si Kevin Alimon ay ibinahagi nila ang ilang mga larawan na nagpapakita ng kanilang magandang samahan.

Ikinasal noong December 8 2019 sa isang outdoor garden wedding ceremony sa Baguio Country Club sina Kevin at Joyce.




Ayon sa lovely couple ay pareho nilang ine-enjoy ang excitement ng buhay mag-asawa.

Bago maging mag kasintahan ay naging mabuting magkaibigan ang kapuso star at ang kaniyang mister.

Nang tanungin sa isang panayam si Kevin tungkol sa desisyong makaisang dibdib si Joyce, nasabi nito na "Nakita ko lang talaga 'yung heart niya for God. 'Yun 'yung pinaka-important na nakikita ko."

@chingjoyce | GMA Network

@chingjoyce | GMA Network


Ang kasal nina Joyce at Kevin ay pinangunahan ng anak ng yumaong si Helen Vela na ni si Pastor Paolo Punzalan.

Nagkakilala ang dalawa sa Victory Christian Fellowship Church kung saan ay pareho silang miyembro nito at dito na nga nagsimula ang kanilang forever.

Sinariwa rin ng Kapuso Actress ang panahon kung papaano nagumpisa ang panunuyo sa kaniya ni Kevin.

@chingjoyce | GMA Network

@chingjoyce | GMA Network


"Siya naman, before pa rin siya mag-start manligaw, ang priority niya talaga is to meet my parents and to tell them 'yung intentions niya na he's going to pursue me. Nag-start rin siya to introduce himself sa parents and sa family ko. From time to time, sumasama siya sa'min when we go out. Parang hindi lang ako 'yung na-get to know niya during the courting stage, pati parents and family ko, nakilala rin niya,"

@chingjoyce | GMA Network

@chingjoyce | GMA Network


Kitang kita naman na very thankful si Joyce sa pagiging maalaga ng mister ng magbigay mensahe ito sa kaniyang kaarawan.

"Thank you for being so selfless. Thank you for taking care of me and for always making sure that I'm okay all day everyday, kahit pagod ka from work. Thank you for always helping me and encouraging me to pursue what God wants for me."

@chingjoyce | GMA Network

@chingjoyce | GMA Network


Matatandaang marami ang na-inspire nang ikinasal ang dalawa ng malaman ng mga tao na sa mismong kasal nilang iyon pa lang mangyayari ang unang beses na pagdadampi ng kanilang mga labi.

"Gusto ko nang matapos, so I can kiss her," pagbibiro pa ni Kevin.

Ayon sa dalawa, ang desisyon na ito ay dahil nais nilang mapanatili ang kabanalan at kadalisayan ng kanilang relasyon.

@chingjoyce | GMA Network

@chingjoyce | GMA Network