Bride, nakatanggap ng kapa at koronang gawa sa limpak-limpak na pera mula sa kapatid na OFW. - The Daily Sentry


Bride, nakatanggap ng kapa at koronang gawa sa limpak-limpak na pera mula sa kapatid na OFW.



Maraming kababaihang mga netizens lalo na ang mga 'soon to be bride' ang napa "sana all" ng makita ang mga larawan ni Dioralyn Estacio - Escarpe sa Facebook. Habang sumasayaw ito sa tradisyonal na money dance suot ang kapa at koronang gawa sa sangkatutak na kwarta.

Ayon pa sa bride na si Dioralyn,




maging siya ay nagulat at napa "sana all" nang biglang isabit sa kanya ang korona at kapa habang sila ay sumasayaw ng kaniyang kabiyak na si Julan Escarpe sa pinakahihintay ng parte ng kasal.

Bukod pa dito ay inabutan din sila ng "money cake" at "money lechon"

"Nagulat ako bakit ganyan karami. Of course, walang paglagyan ang saya ko noong natanggap ang ganyang sorpresa," ani Dioralyn.

Dioralyn Estacio - Escarpe | Facebook

Dioralyn Estacio - Escarpe | Facebook


Kinalaunan ay napag-alaman ng bride na sa kanyang nakababatang kapatid na si Joramae Estacio nanggaling ang malaking halaga ng perang natanggap niya bilang regalo sa kanyang kasal.

Si Joramae ay isang OFW sa Hong Kong. Tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng regalo nito sa kaniyang ate na si Dioralyn.

Narito ang appreciation post ni Dioralyn para sa kapatid na si Joramae:

Dioralyn Estacio - Escarpe | Facebook

Dioralyn Estacio - Escarpe | Facebook


"Kung dati napasana all lang ako sa mga ganitong gift,  di ko inakala manyayari din pla sa akin buti nalang hinanap ko si Julan Escarpe sa FB at nagkataon single siya at sinagot ko agad."

"Walang impossible sa ate na mabait at mapagbigay sa kapatid at grabe ang laki ng sinukli niya. Isang malaking sa all"

"Mga ate dyan maging mapagbigay kayo sa kapatid n'yo para mangyari din sa inyo ang ganito. Hahahahah."

Dioralyn Estacio - Escarpe | Facebook

Dioralyn Estacio - Escarpe | Facebook


"Super thank u gang  Gigi Ajiih Estacio  unfogettable memories  unsay ngalan ani #moneycape ba to nlimot ko hahahah naa pay #crownmoney, #moneycake8layers  ug #moneylechon  SENE ELL  hahaha  pwde ko maghinambid binulan di sa ko magona hahahaha."

Talaga namang napaka swerteng bride at napaka swerte sa kapatid nitong si Dioralyn, ikaw na talaga ang "BEST ATE EVER"

Congratulations sa iyong wedding.

Dioralyn Estacio - Escarpe | Facebook

Gigi Ajiih Estacio | Facebook