Pulis, pinuri matapos ibigay ang extrang sapatos sa Security Guard na sira't punit na ang suot - The Daily Sentry


Pulis, pinuri matapos ibigay ang extrang sapatos sa Security Guard na sira't punit na ang suot




Isa ang trabaho nila sa madalas na hindi napapahalagahan at nabibigyan ng pansin. Nagtatrabaho ng halos inaabot pa minsan ng 24-oras upang magbigay ng kaukulang seguridad sa mga establisyemento at mga negosyo. Napakahalagang parte ng trabaho nila bilang mga Security Guards ngunit, isa sa may mga pinakamababang sweldo kapalit ng mahabang oras na serbisyo, at nakatayo buong araw. 


Ikinatuwa ng mga netizens ang pagpapakita ng kabutihan at pagpapahalaga ng isang Pulis sa isang security guard ng isang pawnshop sa Danao City, Cebu.



Ayon sa Facebook post ng Danao City Police Station, pauwi raw galing ng trabaho ang pulis na si PSSg Gonzales nang mapansin niya ang sirang sapatos na suot ng guard na si Mr. Sinugbohan habang ito'y naka-duty. 





Binalikan siya ni Gonzales kinabukasan bitbit na ang sobra at hindi masyadong gamit na sapatos. 


Marami sa mga netizens ang nagpahiwatig ng kanilang paghanga at papuri sa kabutihang loob na ipinakita ng isang Pulis. 

***

Source: CDN Digital

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!