Customer kinancel ang order na worth 7k sa Angkas rider matapos umanong mainip dahil sa matagal ng paghihintay - The Daily Sentry


Customer kinancel ang order na worth 7k sa Angkas rider matapos umanong mainip dahil sa matagal ng paghihintay



Upang maiwasan ang sakit na kumakalat, ang mga establisyemento at iba pang mga tulad nito ay mahigpit na ipinapatupad ang social distancing.
Photo credit to Buzzooks

Dahil dito ay nagkakaroon ng mahabang pila sa pagbili ng mga pagkain at iba pang pangangailangan katulad ng gamot. Minsan ay umaabot sa isang oras o higit pa ang gugugulin mo sa pagpila pa lamang. Kaya naman kinakailangan nating habaan ang ating pasensiya.

Samantala, isang customer ang hindi marunong magtiis at hindi makaintindi sa sitwasyon ang umani ng galit mula sa mga netizens sa social media.

Sa Facebook post ni Shiela Tibay, isang customer umano ang nagcancel ng kanyang order na nagkakahalaga ng 7 thousand pesos.
Photo credit to Buzzooks

Photo credit to Google

Kinilala ang Angkas rider na si Kuya Aldwin. Ayon sa post, matiyaga umanong pumila ang rider dahil willing to wait daw ang customer.

Ngunit nang matapos na nitong mabili ang order at handa ng ideliver ay bigla naman itong kinancel ng customer. 

Ang nakakalungkot pa nito ay hindi na umano pwedeng i-refund ang mga binili niya sa Mercury Drug Store.

Dahil dito ay walang nagawa si Kuya Aldwin kung hindi umuwi dahil wala na umano siya perang magagamit pang puhunan sa mga susunod na order.
 Photo credit to Buzzooks
Photo credit to Buzzooks

Narito ang buong post ng netizen:

“Sya po si Kuya Aldwin, angkas/grab rider may umorder daw po sa kanya na worth 7k tapos kinancel lang po ng costumer.

Nagtyaga si kuya na pumila ng mahaba at matagal tapos hindi pa maibabalik yung puhunan nya, wala na tuloy sya pang byahe, luging lugi si kuya hindi na pwede ibalik sa drugstore yung nabili nya.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kawawa naman.. para sa pamilya pa naman nya yung puhunan nya tapos lockdown na nga… Naghahanap buhay ng marangal tapos pinagtripan lang ng walang kunsensya. Paki Share na lang po para matulungan natin sya na maibalik ang puhunan nya at makasuhan ang costumer…”


***
Source: Buzzooks