Lalaking nagkaroon ng chronic kidney disease sa edad na 20, binahagi ang kanyang kwento upang magbigay babala sa netizens - The Daily Sentry


Lalaking nagkaroon ng chronic kidney disease sa edad na 20, binahagi ang kanyang kwento upang magbigay babala sa netizens




Larawan mula sa Trending Viral



Nasa huli ang pagsisisi, ang mga katagang ito matandang kasabihan na madalas sabihin lalo na kung may nangyari na hindi maganda dahil sa mga naunang ginawa ng isang tao o bunga ng mga naunang maling desisyon.


Isa na rito ang netizen na si Gelo Pegares na malaki ang pagsisisi dahil sa kanyang pag-abuso sa sariling katawan na humantong sa malubhang sakit.


Sa isang Facebook post, binahagi ni Gelo ang kanyang kwento at kung paano siya nagkaroon ng Chronic Kidney Disease na nasa stage 5 na pala sa edad na 20.


Ayon sa kanya, highschool pa lang nang siya ay nagsimulang mag yosi, isang kaha ay kanyang nauubos sa loob lang ng dalawang araw.


Maliban dito, mahilig din daw siyang magpuyat, at malakas din siyang uminom ng softdrinks. Madalas din daw siyang kumain ng mga maalat na pagkain.


Sa umpisa ay nakaranas siyang maging anemic, naging highblood at nakaramdam ng iba pang sintomas tulad ng pagka hilo, pagsusuka, pagsakit ng katawan at pati pamumulikat ng paa.


Ayon pa kay Gelo, wala umanong matinding sintomas ang stage 1 hangang 4, diretso na daw ito ng stage 5 kaya talagang nakakatakot.


Gayunpaman, malaki ang kanyang pasasalamat na kahit maraming tubo ang nakalagay sa kanyang katawan ay buhay pa siya.  


Larawan mula sa Trending Viral


Nagbigay rin ng payo si Gelo sa mga netizens na sana huwag abusuhin ang katawan at alagaan ang kidney.


Narito ang buong post ni Gelo mula sa Trending Viral:


At dahil Hindi ako makatulog tara magkwentuhan tayo.


Ako si Gelo ahmm ganito kasi yan nagsimula yung sakit kong CHRONIC KIDNEY DISEASE STAGE 5(CKD) ng puro ganito.


Hs nagstart ako magyosi isang kaha sa dlwang araw. Mahina ako uminom ng alak. Pero softdrinks malakas ako. Mahilig din ako magpuyat kasabay pa ng pagiinom. Mahilig din ako kumain ng maalat ee sympre pinoy ee. Hanggang sa nag ka anemic nko at nag ka highblood nagsimula sa paghihilo pagsusuka pagsakit ng katawan at pamumulikat. Walang sintomas kapag stage 1-4 diretso agad ng stage 5 🙁 So ayun sa edad kong 20 Buhay pako! Oo p*t*ngina buhay pko! 


Larawan mula sa Trending Viral


Sa edad kong bente may tubo nko sa leeg hanggang sa puso kaliwa't kanan. Meron pang vibrator sa braso haha. Sa edad kong bente nag ddialysis ako. Itong sakit ko hindi na gumagaling dialysis hanggang sa mamatay or mag pakidney transplant ng milyon ang katumbas sobrang hirap magkasakit sa nagddialysis sobrang hirap parang halos.lahat bawal. Bawal soobrang tubig alam mo ung isang litro lang dapat sa isang araw nagpapasalamat prin ako sa itaas kay lord na binigyan nya pako ng pagkakataon kahit alam kong sandali nalang na kahit alam kong saglit nalang akong tatayo dito sa mundong ibabaw binigyan nya parin ako ng pagkakataong MABUHAY! Maraming salamat AMA 


Kaya sa lahat ng barkada,kaibigan or tropa or ano ka paman. Nagmamakaawa ako INGATAN MO YUNG KIDNEY MO 


LALABAN AT LALABAN AKO HANGGANG KAMATAYAN! 


DASAL LANG WALANG IMPOSIBLE SA ITAAS 


PS: NAGPAPASALAMAT AKO SA MGA KAIBIGANG ANDYN PARA MAGPASAYA AT PASAYAHIN AKO UPANG MAKALIMUTAN KONG MAY SAKIT AKO 


WERPA LODI!