Melai may Babala sa Basher na Tinawag ang Anak nya na 'Pangit': "Humanda Ka. Papahanap Kita, Dedemanda Kita." - The Daily Sentry


Melai may Babala sa Basher na Tinawag ang Anak nya na 'Pangit': "Humanda Ka. Papahanap Kita, Dedemanda Kita."



Photo credit to TWBA and mrandmrsfrancisco | Instagram

Kamakailan ay pinag-usapan at talaga namang hindi nakaligtas sa mga 'Marites' ang Instagram post ng sikat na komendyante at TV host na si Melai Cantiveros. Ito ay patungkol sa comment ng isang netizen na fan diumano ng batang aktres na si Francine Diaz.

Sa nasabing comment tinawag diumano si Melai na 'Epal' ng netizen at pinintasan pa ang kanyang anak at sinabing 'Pangit' ang bata.

"Epal mo din e, ano. Wag mo i-ship si Kyle kay Chie, anak mo nga, ang pangit.", comment ng netizen.

Ang naturang post ng netizen ay tumutukoy diumano sa batang aktor at aktres na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno, na nababalitang nagkamabutihan sa loob ng Bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother). Samantala mukhang nagalit ang netizen dahil fan naman ito ng loveteam ni Kyle at Francine.

Kaya naman hindi ito pinaligtas ng komedyante at sinagot ang basher at binantaan ito na ipapahanap at idedemanda..

Ani Melai, "Humanda Ka Papahanap Kita Dedemanda Kita."

"Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa nbi ang account mu mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mu sa anak ko , ako sabihan mu ok lang wag ang anak ko , kahit itlog ka kahit magdeactivate ka , alam ko fans ka ni francine @francinesdiaz mahahanap kita."



Photo credit to mrandmrsfrancisco | Instagram


May isa pang netizen din na nag-comment na dapat raw ay hindi na isinali sa issue at tinagged ni Melai si Francine Diaz dahil wala naman itong kinalaman doon.

"No need naman siguro i tag si francine dito kasi wala naman sya kinalaman dyan. Dagdag pa sa iisipin ni francine.. But this fan is delusional. Grabe ang lala ng mga fans ngayon. Di lng below the belt, napaka unethical. " sabi ng netizen.

Mariin namang sinagot muli ng komendyante ang comment na ito.

Aniya. "Itatag ko si francine kasi ate ako ni framcine , at ma aware si francine na may isang suporter cya na di dapat pamarisan , kasi mabuting bata si francine ,mamaya mabasa ninfrancine mga post nya paniwalaan pa cya ni francine."

Photo credit to mrandmrsfrancisco | Instagram



Maraming netizens ang sumang-ayon kay Melai at sinabing tama lamang ang ginawa niya na pagbanta sa basher, lalo na at bata ang nadamay dito. Hindi raw dapat palagpasin ang basher at dapat turuan ng leksyon.

"Support po mhirap pag dinadamay ang bata iba na po talagang usapan.. Para mabigyan ng lesson mga ganitong tao na wag idamay mga bata na walang muwang sa buhay ng artista.", comment ng isang netizen.

Samantala, mga ilang oras matapos ang sagutan ni Melai at basher, ay nagpost muli ang komedyante at sinabing naresolbahan na nila ang issue dahil nagmessage na sa kanya diumano ang basher at humingi ng paumanhin.

"Itu na nga closure ng Basher Serye ng hapon ko ngayun , nareach out nmn cya at marami sinasabi , na hindi nmn ako maniwala na hindi cya nagcomment nun, pero xmpre sinu ba ako para di mapakinggan ang side nya at di cya mapatawad ,hayan maging lesson yan na wag basta magpadala sa feelings tapos pipindut nalang na di inaalam kng may mahuhurt kaba na damdamin , matuto tayu Rumespeto ng tao , Respeto is the key para sa matiwasay na buhay , kng di mu gustu ang sinasabi ng ibang tao Irespeto mu, and lets mind our own business at last magpatawad at magmahalan . and kay bebegirl @francinesdiaz pasencya kana bebe at nadamay name mu dtu at alam kung maiintindihan mu nmn kng saan itu nangagaling #respect #forgive #waganakko", sabi ni Melai.

Ibinahagi din niya ang 'screenshots' ng mensahe ang netizen at ipinaalala sa lahat na manatili lamang ang respeto sa kapwa upang mapanatili ang magandang buhay.

Photo credit to mrandmrsfrancisco | Instagram



Photo credit to mrandmrsfrancisco | Instagram


Photo credit to mrandmrsfrancisco | Instagram