Lalaki na nanakit sa isang Grabfood rider, hinuli na ayon sa mga netizen - The Daily Sentry


Lalaki na nanakit sa isang Grabfood rider, hinuli na ayon sa mga netizen



 

Larawan kay Prince Anderson Silvestre
Hindi lingid sa ating kaalaman ang ipinapakitang kasipagan ng ating mga kababayan na Grab Food Rider dahil kahit sa ganitong sitwasyon ay nagagawa pa rin nilang dumiskarte ng pera upang may maihain na makakain sa kani-kanilang lamesa.


Dahil sa kanilang angkin na kasipagan ay kahit umulan man o umaraw ay nandiyan sila upang maghatid ng makakain sa ating tahanan kung kaya malaki ang naitutulong ng bawat Grab rider sa atin.

Dapat ay maintindihan ng bawat isa saatin kung paano ang hirap ng bawat isang Grab rider para maghatid saatin ng pagkain.

Gayunman, usap-usapan naman sa social media ang isang video kung saan isang Grab food rider ang sinaktan ng kanyang lalaking customer.
Larawan kay Prince Anderson Silvestre

Larawan kay Prince Anderson Silvestre

Ayon sa post ng isang netizen na si Prince Anderson Silvestre, dahil lang umano walang panukli si kuya na Grab rider ay sinaktan na siya ng isang lalaki na tila hindi nito makontrol ang kanyang emosyon.


Mapapanuod sa video na hawak-hawak ng lalaki si kuyang Grab rider sa kanyang kuwelyo at tila gusto niya itong saktan.
Larawan kay Prince Anderson Silvestre

Sinigawan, dinuro-duro at inambahan pa ng suntok ng lalaki si kuyang grab rider na tila galit na galit ito.
Larawan kay Prince Anderson Silvestre

Makikita naman na mayroon isang babae na umaayat sa lalaki na tila yata asawa nito ngunit ayaw magpatinag ang lalaki at tuloy pa rin ang paninigaw niya kay kuyang grab rider.

Tila hindi naman yata tama na gawin ito ng lalaki sa isang taong naghahanap buhay ng maayos at dahil lamang sa wala itong manukli.

Panoorin ang video sa ibaba:

Makalipas ang ilang araw ay ayon sa post ng isang Facebook page na Abs Quimma, nagbigay ito ng update sa Customer na nanakit sa grab rider, ayon sa post ay tila nahuli na nga ang lalaki at mapapansin din na may hawak itong cellphone at nakaposas ang kanyang mga kamay.

Larawan mula sa Abs Quimma

Sa pagpapatuloy ng kwento ay may update nanaman sa kwentong ito at dito naman matutunghayan ang interview kay kuyang grab rider.

Ayon sa rider, wala daw umano siyang balak na patulan ang lalaking nagkukumuhob sa galit at idinaan nalang daw niya sa tama hindi niya niya pinairal ang init ng ulo.
Larawan mula kay Louieboy-moto

Larawan mula kay Louieboy-moto

"Wala akong balak na patulan siya. Idinaan ko nalang sa tama at hindi ko nalang din idinaan sa init ng ulo." ayon kay rider.

Panoorin ang interview sa ibaba:


Hindi pa man natatapos ang isyung ito ay mayroon nanamang isang panibagong trending sa social media na kung saan ay nauugnay nanaman dito ang isang customer na nanigaw ng isang crew ng isang sikat sa fast food chain na Mang Inasal.
Larawan mula kay Carlo

Larawan mula kay Carlo
Dahil sa ipinakitang maling asal ng customer ay agad nanamang umalingasaw sa social media ang pangyayaring ito.

Makikita sa video na sinisigawan, dinuro-duro at pinagsabihan ng masasakit na salita ng customer ang kawawang crew ng Mang Inasal.

Marami na ang nakapanuod ng video at talaga namang nangangalaiti sila sa inasal ng customer na ito.
Maging umano ang guard ng nasabing kainan ay hindi rin nakaligtas at sinabihan din ng nagmamagaling na customer na ito.
Larawan mula kay Carlo
Sa mga pangyayaring ito, malaki ang pasasalamat ng mga netizens sa kumuha ng video para maipaabot sa social media ang mga ganitong kaganapan upang sa ganoon ay mabigyan ng katarungan ang mga naaapi at mabigyan ng karampatang leksyon ang mga nangaabuso sa kahinaan ng iba.

Panoorin ang video sa ibaba: