Isang Ina, nandiri sa lasa at sa nakitang laman sa loob umano ng isang sikat na inumin - The Daily Sentry


Isang Ina, nandiri sa lasa at sa nakitang laman sa loob umano ng isang sikat na inumin




Viral sa social media ang post ng isang Ina tungkol sa nakakabaligtad sikmura na kanya umanong nalasahan at nakita sa loob ng isang sikat na inumin at paboritong iniinom ng mga bata. 


Ayon kay Nie-Nie Lenpa Siabae, buong akala niya'y sa mga posts niya lang ito mababasa, ngunit ganon nalang ang pag-aalala niya ng siya na mismo nakaranas nito. 


Labis ang pandiriri niya sa sobrang sama umano ng lasa nang kanyang matikman ang biniling Nestle Chuckie. 



"Buti nlang talaga na naka ugalian ko na tikman Muna Ang lahat ng mga pag kain o inumin bago ko ibigay sa anak ko,"



Makikita sa kanyang mga ibinahaging larawan ang tila hindi maipaliwanag na bagay na kanila umanong nakita nang binuksan nila mismo ang nabiling inumin. 


"Hind ko alam Kong ano talaga iyang laman ng CHUCKIE kaya mga mama dapat maging alerto tayo.๐Ÿ˜Œ๐Ÿ˜Œ๐Ÿ˜Œ๐Ÿ˜Œ"


Marami sa mga nakakabasa ang nagpabatid ng pag-aalala ngunit may mga nagsasabi rin mula sa mga netizens na baka expire na ang produkto, o di kaya'y peke ang nabili, o marahil dahil naexpose na ito sa init habang nakabukas at may mga nagsasabing gawa-gawa at paninira lamang ito sa naturang kompanya.  


May mga ayaw din maniwala at humingi ng video upang mapatunayan kung totoo talaga ang naransan ni  Nie-Nie. 


Basahin ang kanyang buong post: 



#chuckie 

Sa lahat ng mga magulang kagaya ko na mahilig mag pa inum ng CHUCKIE sa kanilang mga anak.... Akala ko joke lang Ang mga Nakikita ko at nababasa ko tungkol sa CHUCKIE Na duma daan sa TIMELINE ko. 


ito pala talaga ay totoo na nakaka LAS0N at nakakaMAT@Y๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ kc mismo ako ay na prove ko talaga kaya kinuhaan ko ito ng picture. Buti nlang talaga na naka ugalian ko na tikman Muna Ang lahat ng mga pag kain o inumin bago ko ibigay sa anak ko. 


KC ako mismo Ay hindi ko kaya Ang lasa sobrang sama talaga ๐Ÿ˜ต๐Ÿ˜ต๐Ÿ˜ต๐Ÿ˜ต๐Ÿ˜ต tapus feeling ko ay namaga Ang dila ko grabe nakaka suka talaga๐Ÿคฎ๐Ÿคฎ๐Ÿคฎ๐Ÿคฎ๐Ÿคฎ  sa sama ng lasa hndi ko ma explain kaya MAM@TAY talaga Ang bata na makka inum nito. 


Hind ko alam Kong ano talaga iyang laman ng CHUCKIE kaya mga mama dapat maging alerto tayo.๐Ÿ˜Œ๐Ÿ˜Œ๐Ÿ˜Œ๐Ÿ˜Œ


***

Source:  Nie-Nie Lenpa Siabae

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!