Isang negosyante, sasagutin lahat ng kakailanganing tulong sa kaso ni Lolo Narding - The Daily Sentry


Isang negosyante, sasagutin lahat ng kakailanganing tulong sa kaso ni Lolo Narding




Marami ang lubos na naawa at nasaktan sa kinahinatnan ng isang 80-taong gulang na matanda mula Asingan, Pangasinan na inaresto at ipinakulong dahil sa reklamong pagnanakaw ng Mangga. 


Ngunit ayon sa salaysay ni Lolo Narding Floro siya naman umano ang nagtanim ng puno ng Mangga kaya niya umano ito ipinapitas. 


Bukod sa mga Pulis na nag-aambagan upang makapag-piyansa si Lolo Narding, marami sa mga netizens ang gustong tulungan ang matanda. Isa na rito ang negosyanteng si Shewin Lim, na kilala bilang isang philanthropist. 


Pinahayag ni Lim na handa siyang tulungan ang matanda sa kinakaharap nitong kasong ihihain laban sa kanya. Ikinagulat rin nito ang dahilan ng pagkakahuli ni Lolo Narding.  



"PINAKULONG NYO DAHIL LANG SA MANGGA? 😡"


"PAKI SEND FULL ADDRESS NI TATAY AT KUNG SAAN SYA NAKA DETAIN SAGOT KO NA PANG PYANSA NYA"


Sagot na rin niya pang hanapbuhay ni Lolo at ang kakailanganing abogado na siyang hahawak ng kaso nito.


"BIBIGYAN KO PA NG HANAP BUHAY PARA DI NAKAKAHIYA SA NAGPAKULONG SA KANYA,"


"BIGYAN KO DIN SYA PRIVATE LAWYER NA TUTUTOK SA KASO NYA. YUNG MAGBIBIGAY NG DETAILS MAY FREE SHOES SAKEN. PAKI BATID SA PAMILYA NI LOLO PO ITONG POST. SALAMAT,"

***

Source: Shewin Lim

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!