Xian Gaza sa nagkaso sa 80-anyos dahil sa mangga: “Ipapakilala kita sa buong Pilipinas” - The Daily Sentry


Xian Gaza sa nagkaso sa 80-anyos dahil sa mangga: “Ipapakilala kita sa buong Pilipinas”




Larawan mula sa Google
Kumalat sa mundo ng social media ang nangyari sa isang pobreng matanda na kung saan ay hinuli at ikinulong ito matapos kasuhan dahil umano sa pagnanakaw sa bunga ng Mangga na ayon sa matanda ay kanya naman daw itong itinanim.

Ang 80-anyos na matanda ay nakilala sa pangalang Lolo Narding Floro, na tubong Asingan Pangasinan.

Maluha-luha ang 80-anyos na lolo na si Lolo Narding Floro na nakakulong sa Asingan Police Station dahil sa kasong pagnanakaw ng Mangga. 
Larawan mula sa Google
"Impaburas ko maysa poon ti mangga awan pay 10 kilos, ti ammok sakop mi. Idi inaladan dan sinakop da met, mula mi met dadiay sir, idi nangalad da sinakop da." 
Larawan mula sa Google
(Pinapitas ko ‘yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun…”)

Paliwanag ni Lolo Narding, nais niya umanong makipagkasundo sa nagkaso sa kanya ngunit ayaw raw nila pumayag at pinapabayad pa ng anim na libo ang napitas na mangga ng pobreng matanda.

"Ti kayat ko kuma ke areglo kuman sir, dadiay met batet met nga banag. Idi ited ko iti bayad na di na kayat nga awaten, ti imbaga na bayadak kano ti sais mil." dagdag ni lolo Floro.
Larawan mula sa Google
(Ang gusto ko sana makipagsundo,  maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…) 

Dahil sa nangyari kay Lolo Narding, marami ang naawa sa kalagayan ng matanda.

Isa na dito ang sikat na personalidad sa social media na si Xian Gaza, ayon sa kanya handa umano siyang tulungan at matanda at pagbabayarin niya ang taong nasa likod ng pagpapahuli sa matanda.
Larawan mula sa Google
"Chill ka lang diyan, Lolo Narding. I gotchu." ayon kay Xian.

“Doon sa taong nagsampa ng kaso kay Lolo Narding nang dahil lamang sa iilang mangga na kanyang pinitas, hahanapin kita. Kumapit ka na. Ipapakilala kita sa buong Pilipinas.” dagdag pa nito.

“Attorney, kapag walang nagpiyansa diyan bukas... ako na lang magpapalaya..ikaw na bahala mag-asikaso. You the drill. Thanks."ayon pa kay Xian.

Malaki ang tyansa na makakalaya na si Lolo Narding dahil sa tulong ni Xian, alam naman natin kung gaano kayaman itong si Xian at kuing gaano siya kakilala dito sa social media, marami din siyang kakilalang abogado na makakatulong kay Lolo Narding.

Larawan mula sa Philippine News

Larawan mula sa Philippine News


***