Pokwang, hinangaan matapos makita kung paano makisama sa kaniyang mga kasambahay. - The Daily Sentry


Pokwang, hinangaan matapos makita kung paano makisama sa kaniyang mga kasambahay.



Ang mga kasambahay ay madalas na nakakaranas ng pangmamaliit o hindi natatrato ng maayos lalo na sa mga mata ng mapanghusga. Ngunit mas marami pa rin ang mga tumuturing sa kanila na kapamilya lalo't araw-araw silang nakakasama ng kanilang mga pinagsisilbihan.

Ang masaklap pa rito'y minsan ay nakakaranas pa ang mga ito ng pang aabuso.




Ngunit hindi basehan ang estado ng pamumuhay ng isang tao para matukoy kung dapat ba silang respetuhin o tratuhin ng maayos dahil lahat ng nabuhuhay sa mundo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.

Kaya naman marami ang humangang mga netizens sa artistang si Pokwang dahil sa isang bidyo kung saan nasaksihan nila kung papaano ito makihalubilo sa kanilang mga kasambahay.

Trending Pinoy Celebrity | YouTube

Trending Pinoy Celebrity | YouTube


Kitang kita rito ang magandang ugnayan ng isang kasambahay at ng isang amo dahil sa kanilang natural na pagkaka tuwaan at masayang pagsasamahan.

Sabi pa nga sa isang komento ng netizen na si Hernandez Maribel,

"dapat lang naman po tayo maging mabait sa kapwa natin mayaman man o mahirap kc pareparehas lang naman po nakatapak ang mga paa natin sa lupa,ang pagkkaiba lang po sila may pera,bilang nalang kc ang mga mabbait na amo at itturin kang pamilya...godbless po miss pokwang"

Trending Pinoy Celebrity | YouTube


Silipin rito ang nakakatuwang bidyo: