Trending ngayon ang pamamaalam ng netizen na si Marielle Custodio sa kanyang alagang manok na si Chichi. Ibinahagi nito sa kanyang Facebook post ang mga larawan at istorya kung papaano nagsimula ang kanilang pagsasama at kung paano lubos na naging malapit sa isa't-isa.
Kahit bihira daw sa isang babae ang magkaroon ng alagang manok ay marami pa rin ang nakisimpatya sa pagdadalamhati ni nito.
Kadalasan kasi ay aso o pusa ang madalas na alagang hayop sa bahay. Pero kung ang sa tingin ng iba ay pagkain lang na maituturing ang mga manok ay iba ang pananaw ni Marielle. Lubos ang pagmamahal niya sa alagang manok na si Chichi.
"Alam kong iniisip nyo na hindi nakagisnan ng nakararami na ang babae ay mag-alaga ng manok. Hindi "normal" na gawing alagang hayop ang mga manok, kundi aso't pusa o isda lamang. Ang manok ay ginawa ng Diyos para kainin at kung ano man. Siguro ganun kayo, pero ako? Hindi."
Marielle Custodio | Facebook
Marielle Custodio | Facebook
Nobyembre taong 2011 noong dumating sa buhay ni Marielle si Chichi. Labis ang pananabik nito na maalagaan ang manok kaya lagi itong nagmamadaling umuwi galing sa eskwelahan.
Sa sobrang espesyal nito ay palagi nilang pinaghahandaan ang pagsapit ng kanyang kaarawan. Minsan man ay simple, ang mahalaga ay masaya nilang ipinagdaraos ang birthday ni Chichi.
Gaya ng ibang 'pet' o alagang hayop, mahilig din makipaglaro at mamasyal si Chichi. Marami rin siyang mga ilang kinagawiang gawin na nakakapagbigay ngiti sa amo at sa pamilya nito.
Marielle Custodio | Facebook
Marielle Custodio | Facebook
"Si Chichi yung klase ng manok na sobrang talino, kapag may papasok sa bahay na hindi kilala, tatakutin nya tas tutukain. Para na talaga syang aso. Kapag sasapit na ang alas dose para kumaen, pupunta sya sa kusina. Pag may nag aaway sa bahay, sumisigaw yan parang gusto nyang pigilan yung nag aaway ba. Pag nakakarinig yan ng tunog ng plastic, humahaba yung leeg nya kasi alam nyang may nakaen. Gustong gustong awayin ni Chichi yung tsinelas, hindi ko alam kung baket hahahaha"
Marielle Custodio | Facebook
Marielle Custodio | Facebook
Noong Nobyembre 2021 ay nagkaroon ito ng pabalik-balik na sakit. Hindi mawari ni Marielle ang dahilan nito dahil sobra naman niyang pinangangalagaan ang kanyang pinakamamahal na alaga.
Hindi rin niya alam kung saan ito papatignan dahil wala aniyang beterinaryo sa kanilang lugar kaya't sinusubukan niya na lang magtanong at lumapit sa mga mananabong.
"Sobrang alaga ko kay Chichi, hindi ko alam paano.. paanong sya ang nagkasakit? Bakit hindi ako?"
Marielle Custodio | Facebook
Marielle Custodio | Facebook
Hanggang sa nitong Pebrero 23 ay dumating ang kinatatakutan ni Marielle na tuluyang dumurog sa kanyang puso. Pumanaw na ang kanyang alagang si Chichi.
Hanggang sa huling hininga ng alagang manok ay hindi ito iniwan ng kanyang amo. Masakit man sa damdamin ang pagkawala ng kanyang alaga, batid ni Marielle na magiging maayos din ang lahat at pinangakong hinding hindi nito malilimutan ang mga masasayang alaala na iniwan ng yumaong alaga.
Marielle Custodio | Facebook
Marielle Custodio | Facebook
Source: Marielle Custodio | Facebook