Tamang paraan ng pagtanggal ng garapata na dumikit sa balat, itinuro ng concerned mom - The Daily Sentry


Tamang paraan ng pagtanggal ng garapata na dumikit sa balat, itinuro ng concerned mom




Paano nga ba alisin ang garapata sakaling dumikit ito sa balat?

Ito ang ibinahaging kaalaman ng isang blogger mommy sa kanyang Facebook page na "Sweetlife TV", matapos hindi inaasahang dumikit ang isang garapata sa balat ng kanyang anak. 

Kwento niya, habang pinapaliguan niya ang kanyang anak ay bigla siyang may nakapa sa may bandang kili-kili nito na una niyang inakala na "kulogo" dahil madilim ang kanilang banyo. Ngunit, ng kanyang tiniginan, laking gulat niya na ito'y isang garapata pala.

Screen-Shot-2022-02-24-at-3-52-49-PM


Dahil dito, dali-daling naghanap sa internet ang kanyang asawa ng mabilisang solusyon kung papaano ang gagawin sa kalagayan ng kanilang anak. At doon, nakakuha sila ng solusyon sa kanilang problema.



Screen-Shot-2022-02-24-at-4-03-31-PM

Ngunit, paano nga ba nagkaroon ng garapata sa balat ang kanyang anak?

Ayon kay mommy, mahilig yumakap-yakap sa mga pusa ang bata at ito ang nakikita niyang dahilan kung bakit nakadapo ito sa kanyang anak. Dagdag pa niya, mahilig din lumabas ang alaga nilang pusa na maari nakakuha ng garapata sa mga nakakasalamuha nito.

Screen-Shot-2022-02-24-at-4-08-20-PM

Narito ang kanilang naging mainam solusyon:

Screen-Shot-2022-02-24-at-4-10-30-PM

"So ang sabi ay, asin at suka at hayaang ibabad ng sampung minuto," pahayag ng ina.

Dagdag pa niya, "Marahil nagtataka kayo kung bakit hindi ko na lang ito binunot ng basta basta dahil ang payo ng doktor ay hindi maaring maiwan ang bibig ng garapata sa balat ng tao dahil pwede itong mag-cause ng infection."

Matapos ang sampung minuto, sinubukan niya nang tanggalin ang garapata ngunit, napansin nilang hindi pa din bumibitaw ito kaya minabuti nilang hindi na ito piliting alisin pa.

Screen-Shot-2022-02-24-at-2-23-28-PM

Dahil dito, minabuti niyang ibalik ang asin at pinatakan muli ng suka saka sila naghintay muli ng panibagong sampung (10) minuto.

Matapos ang kanilang pag-iintay, natanggal ng kusa ang garapata sa balat ng kanyang anak. Makikita sa video na buhay at gumagalaw pa ito matapos ang kanilang ginawang proseso. 

Screen-Shot-2022-02-24-at-2-32-45-PM

Ipanakita din niya ang iniwang marka ng araknida at saka niya ito ini-sprayan ng alcohol upang maiwasan ang anumang impeksyon. Inilagay din niya sa isang lagayan ang garapata, ayon na din sa payo ng doctor, upang kung sakaling magkaron ng impeksyon ay ma-eexamine ito at makita kung anong klaseng bacteria ang mayroon dito. Aniya, maari din naman nang itapon ito matapos ang isang linggo kung hindi lagnatin at walang maging impeksyon. 

Screen-Shot-2022-02-24-at-2-35-25-PM Screen-Shot-2022-02-24-at-4-19-34-PM
Ang mahigpit niyang paalala: 

"Ingatan ninyo ang mga anak niyo lalo na mahilig magyayakap sa mga hayop lalo na kung may garapata."

Screen-Shot-2022-02-24-at-4-20-48-PM 

  Panoorin dito ang buong video:

Source: 1

(Disclaimer: Shared for awareness only. This is not a medical advice.)