Matandang babae iginapos at pinagtawanan matapos umanong mapagkamalang "aswang" - The Daily Sentry


Matandang babae iginapos at pinagtawanan matapos umanong mapagkamalang "aswang"



Pumalag ang mga kamag-anak ng 58-anyos na babae matapos itong igapos at saktan ng mga residente ng Hinigaran, Negros Occidental dahil isa umano itong “aswang.”
Photo credit to the owner

Justice ang aming hinihiling sa hindi makataong ginawa sa aming kamag-anak,” sabi ni Darryl Romano sa kanyang Facebook post.

Ibinahagi ni Daryl ang video kung saan makikita ang isang matandang babaeng nakagapos habang pinagtatawanan ng mga residente.

Nagsimula umano ang lahat nang makita umano ang biktima sa bubong ng mga bahay sa Barangay Gargato ala una ng madaling araw noong Pebrero 3.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Palaisipan naman kay Hinigaran Municipall Police, Capt. Ryan Villasario kung papaano nakapunta sa bubong ang biktima.

Aniya, nalaman lamang nila sa Facebook ang nangyaring insidente.

Pahayag ni Villasario, ibinaba nila mula sa bubong ang matandang babae dahil nakarinig ang mga residente ng lagitik ng yero.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Agad raw na itinali ang babae matapos mapagkamalang “aswang” o magnanakaw.

Mula naman sa Barangay Aranda ang matandang babae, 10 kilometro ang layo mula sa Barangay Gargato kung saan ito nahuli.

Dagdag ni Villasario, iniimbestigahan pa nila ang buong pangyayari at ang mga alegasyon laban sa babae. Ayon naman sa pamilya nito, nakararanas umano ang matanda ng depresy0n magmula nang bawian ng buhay ang asawa nito.

Kasalukuyan din nilang hinihintay ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng kaso laban sa mga residente.
Photo credit to the owner

Samantala, ang aswang ay kilala ng mga Pilipino bilang isang masamang espiritu na anyong tao sa umaga at nagiging isang halimaw na sumisipsip ng dugo pagdating ng gabi. Kilala ang mga aswang bilang mga nilalang na nagpapalit ng anyo. Kadalasan, sila ay nag-aanyong isang hayop. Pinaniniwalaang ang madalas na binibiktima ng mga aswang ay ang mga bata at matatanda. Kinakain nito ang mga laman-loob ng kanyang mga biktima tulad ng puso at atay.


***
Source: Balita