Babaeng nag-donate ng kidney sa kasintahan, pinagpalit sa iba matapos lang ang 7 buwan - The Daily Sentry


Babaeng nag-donate ng kidney sa kasintahan, pinagpalit sa iba matapos lang ang 7 buwan



Larawan mula sa TikTok

 


Viral ngayon ang malungkot na kwento ng isang babae na nag donate ng kanyang kidney sa kasintahan na nang iwan din sa kanya ilang buwan matapos ang operasyon.

Ang kwento ni TikTok user Colleen Le ay agad na umabot milyun-milyon ang views dahil sa kanyang nakaka-antig na karanasan sa kanyang dating karelasyon.


Ayon sa kanyang mga video post sa TikTok, ibinigay niya ang kanyang kabilang kidney sa kasintahan matapos ang isang taon ng kanilang relasyon.

“So, I donated my kidney to my boyfriend after one year of dating” aniya sa caption

Anim na taon na umano ang nakakaraan simula ng ibigay niya ang kanyang kidney sa dating kasintahan kaya naman napagkatuwaan niya itong ibahagi sa TikTok.

“It’s been almost six years since the surgery, so that’s what led me to me kind of poking fun at it on TikTok,” aniya , ayon sa ulat ng Insider “Something traumatic and make it funny, you know?”

Bago lang daw ang relasyon nila ng dating boyfriend ay nagsabi na ito ukol sa kanyang karamdaman, na mayroon pala itong chronic kidney disease, kaya naman sinubukan niyang magpa test.*


Larawan mula sa TikTok



“Just seeing his condition, just seeing how much he was suffering through this condition, it made me get tested,”

“Like, I felt a need to see if I could help this guy.” Kwento ni Colleen sa Insider

Ngunit, pitong buwan ang lang ang lumipas matapos ang matagumpay ng kidney transplant noong 2016 ay pinag palit siya nito sa ibang babae.

Sa kabilang banda, kahit masakit ang ginawa sa kanya ng dating nobyo ay hindi niya pinagsisihan ang ginawa, dahil nailigtas niya ang isang buhay.


“I saved someone’s life, and I can’t take that back, so I don’t regret what I did at all,” aniya

Nalaman din ni Colleen na nag-asawa na ang lalaki at hangad niya ang kaligayahan nito.


Larawan mula sa TikTok



“I heard from some of our friends that he got married, so I’m happy for him. And I only wish him the best.” Saad pa ng TikTok user