Foreigner, tinatu-an ng hindi kanais-nais na mga salita sa Boracay - The Daily Sentry


Foreigner, tinatu-an ng hindi kanais-nais na mga salita sa Boracay



Hindi naging maganda ang bakasyon ng isang foreigner sa ating bansa matapos ang masalimuot na sinapit nito sa kamay ng isa nating kababayan sa Boracay.
Photo credit to the owner

Ayon sa Facebook page na “Energy FM 107.7 Kalibo”, napag-tripan raw ng isang pinoy tattoo artist ang dayuhan na walang kaalam-alam sa mga salitang itinattoo sa kanya.

Kwento ng dayuhan, hindi nito maintindihan kung bakit siya pinagtatawan ng mga taong nakakasalubong niya sa daan kaya humingi siya ng tulong sa isang netizen upang basahin at ipaliwang ang ibig sabihin ng mga inilagay na tattoo sa kanyang katawan.

Dagdag niya, ang mismong tattoo artist raw ang lumapit sa kanya upang alukin ng tattoo at ang kapalit lamang ay kukuhanan siya ng larawan.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Agad na pumayag ang dayuhan dahil aniya, may mga pinakita raw na obra ang tattoo artist at talagang nagustuhan niya ito.

Sinabi pa umano ng tattoo artist na ang ibig sabihin ng mga salitang kanyang isinulat ay tungkol sa pagiging maka-Diyos.
Photo credit to the owner

Dahil sa sinabi ng tattoo artist ay hindi na nagreklamo pa ang dayuhan at nagpasalamat pa ito bago tuluyang umalis.

Matapos malamang hindi kaaya-aya at puro kabastusan ang mga nakasulat sa kanyang katawan, dali-daling nagpasama ang dayuhan upang balikan ang tattoo artist ngunit sa kasamaang palad ay wala na ito sa nasabing pwesto kung saan siya tinatuan.

Sa ngayon ay burado na ang nasabing post mula sa Facebook page na “Energy FM 107.7 Kalibo."