Ina ni Christine Dacera, may banat kay Valentine Rosales: "Papansin ka pa sa sobrang kasinungalingan mo" - The Daily Sentry


Ina ni Christine Dacera, may banat kay Valentine Rosales: "Papansin ka pa sa sobrang kasinungalingan mo"



Naglabas nanamang muli ang 7-eleven ng kanilang “7-election” cups para sa 2022 presidential elections sa darating na May 9.
Valentine Rosales / Photo credit to the owner

Noong Marso 9 nagsimulang ilabas ng convenient store ang kanilang 7-election cups na available sa labas ng kanilang branch sa buong bansa.

Ang mga cups ay naglalaman ng mga pangalan at imahe ng limang presidential candidates na sina Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, and ex-senator Bongbong Marcos.

Samantala, viral ngayon ang post ng netizen na si Valentine Rosales patungkol sa nasabing 7-election cups.
Photo credit to 7-eleven

Ibinahagi ni Valentine ang umano’y insidente sa isang branch ng convenience store sa Ali Mall Cubao.

Kwento niya, namimili siya sa 7-eleven nang may pumasok na lalaki sa loob at madaling-madali umanong kumuha ng drinks sa vending machine at umalis ito nang hindi nagbabayad. Nilapitan daw siya ng cashier at itinanong sa kanya kung kasama niya ba iyon ngunit itinanggi niya ito.

Tinanong din siya nito kung anong cup ang kinuha nung lalaki aniya, “natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko “yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh.”

Kuwento pa ni Rosales, siya na lamang ang nagbayad doon sa ‘di umano’y kinuha ng lalaki at dito rin niya naipasok na kailangan bumoto ng leader na may prinsipyo at hindi nagnanakaw.
Valentine Rosales / Photo credit to the owner
Valentine Rosales / Photo credit to the owner

35 pesos lang naman pala. Jusko ninakaw pa. Anyway share ko lang. Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw. Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier,” ani Valentine.

Mabilis na kumalat sa social media ang post ni Valentine dahil napansin ng mga netizens na gawa-gawa lamang nito ang kwento.

Mas lalo pang napansin ng mga netizens ang kasinungalingan ni Valentine matapos itong batikusin ng ina ni Christine Dacera, ang flight attendant na naging kontrobersyal ang pagpanaw noon sa isang hotel kasama ang mga kaibigan.

NAKU PAPANSIN KA PA SA SOBRANG KASINUNGALINGAN MO ,CHRISTIAN GAZA MAY PUNTO KA NGA AGAINST SA TAO NA YAN,” post ni Mrs. Sharon Dacera.


Matatandaan na isa si Valentine sa mga huling nakasama ni Christine sa isang party bago ito nakitang wala ng buhay sa kanyang hotel room.

Naniniwala ang ina ni Christine na may kinalaman si Valentine at ang iba pang kasama nito sa pagpanaw ng kanyang anak.

Si Valentine din ang nakitang kalambingan ni Christine sa nasabing party.

Itinanggi naman ni Valentine na mayroon silang relasyon ng flight attendant.

Ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang lahat ng kaso na isinampa ng kampo ni Christine laban kay Valentine at iba pang nakasama nito sa party.