Mga gamit ng sumakabilang bahay na mister, viral! matapos itong ibenta ni misis ng live online! - The Daily Sentry


Mga gamit ng sumakabilang bahay na mister, viral! matapos itong ibenta ni misis ng live online!



Viral at kinaaaliwan ngayon ang diskarte ng isang misis na iniwan ng asawa. Sa halip kasi na itago o itapon nito ang mga gamit na naiwan ng kanyang sumakabilang bahay na asawa ay pinagkakitaan niya pa ito at ibinenta online.

Bukod rito ay bentang benta din sa mga netizen ang kanyang mga 'hugot lines' habang nagli-live selling.




Base sa pinned post ng 'momtrepreneur' na si Jamille Margarita Galvez. Pinamagatan niya ang kanyang live selling na "MGA GAMIT NG SUMAKABILANG BAHAY NA ASAWA LIVE SELLING"

May kwela at malaman din itong panimula para sa mga gustong bumili ng kanyang mga itinitinda. Aniya, "CAUTION: BUY AT YOUR OWN RISK, MAY SUMPA TO SIGURADO MAGIGING BABAERO UNG BF O ASAWA NIYO! HAHAHA"

Jamille Margarita Galvez | Facebook

Jamille Margarita Galvez | Facebook


Hirit pa nito, "Super MURA nalang, kasi di naman marunong magMAHAL ung may-ari"

Ukol naman sa estado ng mga damit, "Lahat ng items MATINO pa, ung may-ari lang ung hindi" ang sagot ni Jamille.

Ipinagmalaki rin nito na, "ORIG lahat to walang fake, di naman ako MANLOLOKO gaya nung may-ari"

Maanghang din ang mga sumunod na linya nito gaya ng..

"Walang LASPAG dito, ung kabet lang nya yerrn"

Jamille Margarita Galvez | Facebook

Jamille Margarita Galvez | Facebook


"Wag magMINE kung di mo kaya panindigan gaya ng ginawa ng asawa ko"

Iminungkahi din nito sa mga misis na kagaya niyang iniwan na ng asawa ay ibenta na nila ang mga naiwang gamit ni mister. Payo nito na huwag daw magtabi ng basura sa bahay.

Tila naging matagumpay ang ideyang ito ni Jamille dahil umabot sa 28k views ang kanyang live selling sa Facebook. Naglaro sa P1,000 pataas ang presyo ng kada gamit.

Jamille Margarita Galvez | Facebook

Jamille Margarita Galvez | Facebook


At bukod sa aliw na hatid nito ay may pa-giveaway din ang online seller ng 50 pesos sa 100 na netizens.

Patuloy na gumagawa ng ingay ang naging paraan ni Jamille upang dispatsahin ang gamit ng kanyang lumisang asawa paraan upang magkaroon ng ideya ang iilang netizen.

"Sayang dapat pala ganito ginawa ko. Edi sana bumalik kahit onti sa nagastos ko sa kanya!" Ayon sa isang netizen na si Maine.

Jamille Margarita Galvez | Facebook