Ang pinagmanahan ng kagandahan nina Cristine Reyes at Ara Mina, bumida sa "throwback photos" sa social media. - The Daily Sentry


Ang pinagmanahan ng kagandahan nina Cristine Reyes at Ara Mina, bumida sa "throwback photos" sa social media.



Hindi maikakaila at maraming netizens rin naman ang sumang-ayon na namana ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes ang kanilang angking kagandahan sa inang si Venus Imperial.

Game na game kasi na nakisali sa nausong 'throwback thursday' sa social media ang aktres na si Ara. Ito ay kung saan nagbabahagi ang mga netizens ng mga lumang larawan tuwing araw ng Huwebes.




Sa kaniyang Instagram account ni Ara o Hazel Pascual Reyes sa tunay na buhay ay ibinahagi nito ang litrato ng ina, kung saan ay kalahok ito at kitang kinokoronahan sa isang beauty contest.

Sa kulay at detalye ng larawan ay kitang kita ito'y antigo na at tila nahalungkat pa sa pinakatago tagong lalagyanan, kaya naman siguro sobra ang pagkasabik ni Ara sa pagbabahagi nito.

Ara Mina | Instagram

Ara Mina | Instagram


"Look what I found, a picture of my mom (she's half German). Na-restore tong picture and ito na lang ata pictures niya noong nanalo siyang "Mutya ng Pasig 1967" sabi ng aktres.

Kayamanan ng maituturing marahil ng pamilya ang mga larawan na ito, dahil kasama raw ito sa mga iilang gamit na naisalba nila noong sila ay salantain ng Bagyong Ondoy.

Ara Mina | Instagram

Ara Mina, Cristine Reyes | Facebook


Sa kasamaang palad ay karamihan sa kanilang mga lumang litrato na kuha ang kanilang mga masasayang alaala mula pa nang pagkabata ay hindi na nailigtas pa.

"Kasi mga pictures namin especially mga baby pictures ko wala na dahil sa Typhoon Ondoy non, even my diplomas, honorable mention and awards sa school like "Most Cooperative" at iba pa nabaha (diba may special awards din ako di lang sa pag-aartista). Wala lang just sharing lang. Chatiing with my mom now after her check-up today." Dagdag pa ni Ara kaugnay sa ibinahaging mga larawan.

Ara Mina, Cristine Reyes | Facebook

Ara Mina, Cristine Reyes | Facebook


Gaya ng inaasahan ay maraming followers ang nabighani sa taglay na kagandahan ng ina ng aktres, dahilan para mag iwan ang mga ito ng komento tungkol sa kanilang paghanga.

"Wow ang ganda pala ng mom nyo miss ara kaya ang ganda nyo rin" - kawaiigeangab_816

"kamukha mo pala mom mo nung kabataan niya miss ara…such a charming beautiful lady" - emdee17

"Kaya po pala ang gaganda nyo eh may mga lahi pala kayo… Ganda ni mommy" - bellaalmonia896

Ara Mina, Cristine Reyes | Facebook

Ara Mina, Cristine Reyes | Facebook