Sa panahon ngayon, marami sa atin ang mas gustong mamili ng mga gadgets, appliances at iba pang bagay sa mga online shopping sites katulad na lamang Shopee at Lazada.
Photo credit: Lou M. Jose
Ito ay dahil mas makakaiwas sila sa kumakalat na sakit ngayon sa buong mundo at minsan ay mas nakakamura pa sila kumpara sa mga malls.
Subalit, kailangan din mag-ingat sa pag-oorder dahil naglipana ang mga scammer o manloloko sa mga nasabing online shopping sites.
Katulad na lamang ng netizen na si Lou M. Jose na nakaranas ng panloloko matapos niyang umorder ng 32 inches na TV ngunit ang kanyang natanggap ay USB cord at isang sulat mula sa seller.
Photo credit: Lou M. Jose
Photo credit: Lou M. Jose
“Bukod sa matagal Ang delivery, pagkadeliver ng item sa bahay. Sobreng maliit lang nareceive ko. Hinahanap ko sa nagdeliver ung TV. wala daw. Pagkabukas ko sa Sobre Isang USB cord lang ang laman at may Ksamang letter ng seller,” sabi ni Lou.
Sobrang na dismaya si Lou sa nangyaring panloloko sa kanya dahil hindi na mairerefund pa ang perang ibinayad sa kanyang order.
Photo credit: Lou M. Jose
“Nagrequest ako ng refund sa lazada dahil hindi naman diniliver ang order ko. pero ang lazada walang aksyon na ginagawa,” sabi ni Lou.
Nagbigay naman ng paalala si Lou sa mga netizens na mag ingat sa mga bogus na seller sa mga online shopping sites.
Narito ang buong post ni Lou:
"Lazada Bogus/Modus Seller
Guys beware lng sa mga umoorder online..Nagorder po ako sa Lazada ng Smart TV 32 inches Ship from Overseas Direct from China.. Ung payment tru debit Card. Dahil hindi pwede ang COD. tiwala naman ako sa lazada kaya nagorder ako at binayad ko tru debit Card. Bukod sa matagal Ang delivery, pagkadeliver ng item sa bahay. Sobreng maliit lang nareceive ko. Hinahanap ko sa nagdeliver ung TV. wala daw. Pagkabukas ko sa Sobre Isang USB cord lang ang laman at may Ksamang letter ng seller. Sana sa una pa lang kung out of stock ung item kinancel na lang ung order ko at binalik ung pera ko. pero hindi diniliver sa akin papel at USB cord. Halatang Modus ito ng Seller. Tapos Ngayon hindi ko na masearch ung store niya Sa lazada, Papalit palit ng account, Dapat si Lazada nirereview niya mabuti ung mga seller niya para di na mangyari ung Ganito.
Photo credit: Lou M. Jose
Photo credit: Lou M. Jose
Photo credit: Lou M. Jose
Nagrequest ako ng refund sa lazada dahil hindi naman diniliver ang order ko. pero ang lazada walang aksyon na ginagawa. Sana ireview ng lazada ang mga seller niya. dahil nakakasira sa company niyo ito. Malaking abala at sobramg stress ako sa pangyayari ito. Hindi ako titigil hanggat di ko narerefund ung pinaghirapan kong ipunin. Please Lazada pakiimbestigahan po itong mabuti.
Guyz upload ko po ung pic ng Bogus seller sa lazada kaya please po ingat po tayo. ayoko maranasan niyo naranasan ko. MapaCOD man yan ingat po tayo.. Sobrang Hirap at Sobrang tagal po ng refund sa lazada. Wala man lang silang ginagawang aksyon."
***
Source: Boy Trending