Scammer na Nagpanggap na Konsehal, Walang-awang Biniktima ang Small Business ng isang Cancer Patient - The Daily Sentry


Scammer na Nagpanggap na Konsehal, Walang-awang Biniktima ang Small Business ng isang Cancer Patient



Photo credit to Doods Nuguid | Facebook

Lubhang nakakalungkot isipin na kahit sa panahon ng pandemya at karamdaman ay mayroon pa ring mga taong walang awang nangbibiktima ng kapwa. Na imbis maghanap-buhay ng marangal ay mas ninanais magsamantala ng iba.

Noong nakaraang Linggo, isa na namang kaawa-awang small food business owner ang nabiktima ng isang scammer. Ang mas malungkot pa rito ay may-sakit ang biktima at ginagamit niya ang maliit na kita sa kanyang business upang ipang-gamot sa sakit niyang cancer.

Siya ay si Rea Rabe, owner ng House of Turon sa Cavite City at mayroon diumanong stage 4 renal cell carcinoma.

Ang scammer ay nagpanggap diumanong isang konsehal at nag-order ng platter ng turon (fried banana rolls), mineral water at fruit teas na nagkakahalaga ng Php 2,300 at ipinadeliver sa City Hall.



Photo credit to Doods Nuguid | Facebook

 Ani Rabe, kalalabas niya lamang sa ospital mula sa pagkakaconfine ng tatlong araw kaya kahit masama pa ang pakiramdam ay pilit tinanggap ang order sa panghihinayang.

Photo credit to Doods Nuguid | Facebook

"Kalalabas ko lang po noon ng hospital, na-confine po ako for three days. Pinilit ko pong kunin ‘yung order kasi nanghihinayang nga po ako dahil dalawang bilao, tapos 25 na fruit tea, tapos 30 pieces na bottled water.", pahayag niya.


At bago raw ipadeliver ang mga pagkain ay bumili at nagpa-send pa ng mobile preapid load ang scammer kay Rabe na worth Php 8,400 na diumano ay gagamitin ng mga empleyado sa kanilang LGU (Local Government Unit).

Photo credit to Doods Nuguid | Facebook

Photo credit to Doods Nuguid | Facebook

Matapos nilang ipadala ang prepaid load at hinatid ang food order sa City Hall ay sobra ang kanilang pagkagulat at lungkot ng malamang wala palang nangaggaling na order mula doon. Hindi na rin sumagot ang nag-order at nagpaload at hindi na nila ito muli macontact.



Ipinagbigay alam ni Rabe sa kanilang Barangay officials ang insidente, at matapos mag-file ng blotter report ay ipinarating sa konsehal na si Doods Nuguid ang ginawang panggagamit sa kanyang pangalan ng isang scammer sa isang fraud delivery at load transfer.

Kaya naman ng makaabot sa kanya ang pangyayari ay ibinahagi mismo ni Konsehal Nuguid sa kanyang personal Facebook account ang isang babala at paalaala sa lahat ng netizens.

Siya rin ay nanawagan na matapos ang pangyayari ay suportahan nawa ang maliit na negosyo ng biktimang si Rabe at humingi rin ng tulong pinasyal sa mga nais magbigay ng donasyon.

Photo credit to Doods Nuguid | Facebook


"4th-STAGE CANCER PATIENT, MS. Rei Rabe

, NASCAM ng higit kumulang 11,000 pesos. Ang scammer, ginamit ang ating pangalan sa scam!
May nag-order ng mga pagkain na halagang 2,300 pesos na nag pa deliver sa City Hall.
Pag dating ni Ms. Rea sa City Hall ay nag pasabay ng load worth 9,000 pesos ang nag order ng mga pagkain.

Aniya, ang sabi ng nag order ay para isahan na lang ng resibo at bababa ito pagkatapos ng sampung minuto.


Hindi na nacontact ang scammer pag send ng load.

Ang kwento ni Ms. Rea sana ay magsilbing BABALA sa ating lahat na mag-ingat sa mga online transactions. Ang mga scammers ay walang pinipili.

Atin ding supportahan ang kanyang negosyo https://www.facebook.com/houseofturoncavitecity/ upang mabawi ang mga nawala.

At para naman po sa mga gustong mag donate para sa kanyang chemotherapy at pampagamot, maari po lamang na dumirecho sa kanya o kaya’y GCash sa kanyang number +63 906 482 2988.

Mag-ingat po tayong lahat.",
post ni Councilor Doods Nuguid.

Ang nangyaring 'fraudulent transaction' ay malaking dagok diumano kay Rabe dahil ang kanyang cancer treatment ay umaabot sa Php200,000 kada isang buwan. Ang kanyang kinikita raw kasi sa kanyang small business ay malaking tulong pandagdag sa kanyang paggagamot.

Ngunit sa kabila ng pagkawala ng pera at panglolokong iyon sa kanila ay malaki pa rin ang pasasalamat ni Rabe dahil wala raw nangyaring masama sa kanila kaya mananatili siyang positibo sa buhay.

"May mga nagde-deliver po na ganyan na hindi na po nakakauwi. We’re grateful na safe naman po kami. Ang pera naman po, pwedeng kitain. Nananampalataya po kami sa Panginoon na mawalan man kami ngayon, in control pa rin po siya.", pasasalamat na tugon ni Rabe.


SourceDoods Nuguid | FacebookManila Bulletin