Angeline Quinto, tahasang itinanggi ang paratang na siya ay isang 'sugar mommy!' - The Daily Sentry


Angeline Quinto, tahasang itinanggi ang paratang na siya ay isang 'sugar mommy!'



Mariing itinanggi ng singer na si Love Angeline Quinto ang usap-usapang siya raw ay sugar mommy ng kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina.

Mula nang ipagbuntis ng singer ang anak nila ng kanyang nobyo na ngayoy kasisilang pa lamang na si baby Sylvio ay kaliwa't kanan na ang mga paratang sa kanilang dalawa ng kasintahan.




Kaya naman sa vlog ng naturang singer ay ipinagtanggol nito ang boyfriend sa mga bumabatikos dito.

"Bhe...kaya mo daw ako jinowa para perahan lang?" ani Angeline.

"Ako talaga yung pineperahan dito," sagot naman ni Nonrev.

Ayon sa iilan ay ito raw ang unang pagkakataon na sasalang sa Q&A ang mag partner kaya hindi naman na nila ito pinalagpas para sagutin at linawin ang mga kumakalat na isyu ukol sa relasyon nilang dalawa.

Angeline Quinto | Facebook


Angeline Quinto | Facebook


"Para malinaw sa lahat... hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako 'yung namemera sa kanya. Totoo ‘to!"

"Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko. So, every time magkukulang 'yung pera ko pambayad sa Grab, ganyan-ganyan, sa kanya ako nakikiusap."

"Tapos, magugulat na lang ako, nakalista lahat. E, sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga 'yun kasi hinihiram ko talaga," kwento ni Angeline.

Angeline Quinto | Facebook

Angeline Quinto | Facebook


Dagdag pa ng kapamilya singer na noong siya ay nagbubuntis ay marami siyang pinaglilihihan at kung anu-ano ang gusto niyang kainin. Bagay na hindi naman ipinagkait sa kanya ng kanyang boyfriend na si Nonrev.

"Ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash. Yung GCash niya, ubos na. So, from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad, nakakatawa 'yun," pahayag ni Angeline.

Angeline Quinto | Facebook

Angeline Quinto | Facebook


"So 'yun, para lang malinaw sa inyo ha? Hindi ako pineperahan nito, ako pa 'yung namemera sa kanya, sa totoo lang. Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilhin, binibigay ko naman. Pero wala namang moments na namemera," ayon pa kay Angeline.

"Wala naman pong ganun. Kung sakaling gawin niya sa akin 'yun, bahala na siya," dagdag pa ng singer.

Love Angeline Quinto | YouTube